Chapter 32
Nang nagising ako ay wala na si Axl sa tabi ko. Bumangon ako at bahagyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa balcony.
Hinawi ko ng tuluyan ang kurtina upang makapasok ang liwanag sa buong silid. Malamig ang hangin at hindi pa gaanong masakit sa balat ang init ng araw nang tumapak ako sa balkonahe.
Ang view ng napaka-gandang garden ay tunay na nakaka-refresh sa umaga. Natanaw ko si Air na lumalangoy sa malaking swimming pool at napangiti ako.
Nanatili ako roon habang nagmamasid sa tanawin. Tila kaysarap mamuhay ng ganito. Kung dito ako nakatira ay baka palaging maganda ang gising ko.
Nang maramdamang mainit na ang sikat ng araw sa aking mukha ay bumalik na rin ako sa kwarto.
Inayos ko muna ang kama bago nagpasyang maligo at magbihis. Hindi ko alam kung anong oras kami uuwi sa condo ni Axl pero minabuti kong maligo na rin at maghanda.
Isang simpleng bestida ulit ang suot ko at ang flats na suot kahapon. Nag-ayos ako sa harap ng malaking salamin ng kaniyang walk-in closet.
Nang matapos ay inayos ko naman ang mga maruruming damit sa duffel bag.
Nakapagtatakang hindi pa umaakyat ulit si Axl dito. Alas diyes na at kadalasan ay ipinagdadala niya ako ng almusal sa kwarto kapag nauunang magising. Siguro ay iba ang sitwasyon dito sa mansyon, o baka naman ay abala siya sa pakikipag-usap kay Sir Arsen.
Nang matapos sa lahat ay nagpasya na akong bumaba upang mahanap si nanay o di kaya ay si Axl.
Mabagal ang lakad ko sa pasilyo, abala sa pagtitingin ng mga maliliit na detalye sa kabuuan ng mansyon nang matigilan ako sa harap ng isang pintuan.
Mumunting mga boses ang naririnig ko roon ngunit ang talagang nagpatigil sa akin ay ang pamilyar na boses ni Axl.
"I can handle it 'la, please let me handle it this time."
Kumunot ang noo ko at bagamat alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba ay kusang gumalaw ang mga paa ko palapit sa pintuan.
Ito ang library hindi ba? Kung saan din sila madalas mag-usap usap? Hindi nakasarado ng maayos ang pintuan kaya naman rinig na rinig ko ang mga boses sa loob nang nakalapit ako.
Boses ng isang babae ang sunod kong narinig.
"That woman is dragging the name of the whole company and how do you think can we shut her up? She wants to ruin the company Axl!"
"Mom isn't it your fault? We can't stop the girl because she wants revenge for her dead sister." Boses iyon ni Sir Arsen.
Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting narealize kung sino ang babae. It's Madam Selena, it's Axl's grandmother.
"We didn't kill that rat!"
"Lola please, she's already dead, please stop it."
Pagak na tumawa ang kaniyang lola, "This should be a lesson to you Axl, you should never fall for cheap girls just like how your father did. Look how it's ruining the company!"
"Ma! Stop it!"
"Aliyah is accepting all the interviews from the media! She's doing this in purpose and that is to drag the GGC down! If you can't do anything to shut her up then I'm moving!"
Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Nanginig ang aking mga kamay.
Totoo ba ito? Nagpapaunlak si Aliyah ng interview para saan? Para sirain ang GGC? At paano siya mapipigilan?
We all know no one can stop her now. She lived in anger for years at kahit pa ngayong nakakulong na ay buhay na buhay pa rin ang kaniyang galit.
"And what are you gonna do mom? Please stop being so cruel. This is all happening because of what you did to the poor girl. Don't you love your grandson? Do you think he's your puppet? You can't tell him what kind of girl to like."
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romance"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis