Chapter 25

7.9K 263 84
                                    

Chapter 25

Nasa limang kanta ang itinugtog ng Golden Strings habang nagkukwentuhan naman kami ni Naomi.

Sinabi ko sa kaniyang fan nila ako ni Gelo at masaya ako para sa kanilang dalawa. Nagulat siya roon at sinabi pang hindi niya ako dapat maging fan dahil magkaibigan na kami simula ngayon.

Masaya ako dahil nagkasundo kami kahit paano. Sa unang tingin ay akala ko hindi siya approachable pero sa totoo lang ay mabait siya. Hindi siya mahinhin katulad ni Ayesha, she likes to party and she looks a bit liberated. Pero napatunayan kong hindi lahat ng babaeng ganito ay pangit ng tignan.

Siguro ay magkakaiba lang talaga ang mga tao at hindi mo sila pwedeng husgahan kaagad sa panlabas na anyo.

Naka-tatlong wine yata ako dahil sa pagkakaaliw sa aming pinag-uusapan.
"You should stop drinking Adrianna, namumula kana." Tumawa ito.

Natawa rin ako. Tinignan ko ang wine, "This is Sherry right?" Tanong ko, naaalala pa ang lasa nito nang matikman ko sa Baguio.

Naomi raised her eyebrows, "Oh you know wines huh? Your big boss informed you about that too?" May iba pang mensahe ang tono niya pero hindi ko na iyon nakuha.

Humagikhik ako at inubos ang pangatlong baso. May lumapit na waiter at agad pinalitan ang aming inumin.

"Seriously Adrianna, mukhang mababa ang alcohol tolerance mo. Baka mag-away si Axl at Gelo kapag nalasing kita." Humalakhak ito.

"Bakit naman sila mag-aaway?"

She smirked, "Oh this girl, you are so dense."

"Huh?"

Ngumisi ito. Inilapag niya ang wineglass sa table at tumitig sa akin. "May boyfriend kaba?"

Umiling ako.

"Pero nagka-boyfriend kana?"

"Wala pa sa isip ko yan, nag-aaral pa ako."

Nagtaas ito ng kilay, hindi nawawala ang pagkakangisi. "Manliligaw?"

"Uhm meron naman.."

"Oh ofcourse, sino ba namang hindi magtatangkang manligaw sayo? You look like a model Adrianna."

Natawa ako, "I'm half American, kaya siguro hindi ako mukhang mahirap. Kung malaman nilang mahirap ako ay paniguradong matu-turnoff sila."

Naomi chuckled, "Do you think ganoon si Axl?" Pinagtaasan ako nito ng kilay. "Axl is the richest person I know. Do you think status matters to him? He can even marry a beggar and make her the richest girl if he wants to."

Umiling ako, "Beggar? Kung mayaman siya ay mas marami siyang mahahanap na mas deserving pa sa mahihirap."

"But what if he wants a certain poor girl then?" Naghahamon ang mga mata niya, hindi ko alam kung bakit napunta kay Axl ang usapan.

"I don't think he'll fall for that kind of girl.." Bulong ko. I don't think he'll fall to the likes of me.

She shrugged, "Hindi mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin."

"Huh?"

She grinned at me pero hindi na rin nagsalita. Huminga ako ng malalim at maya-maya pa ay nagdesisyong magbanyo para makapaghilamos.

Ayaw kong sayangin ang makeup ko pero gusto kong magising dahil pakiramdan ko ay lasing na nga ako. Hindi talaga maganda ang Sherry para sa akin.

Tiningala ako ni Naomi nang tumayo ako, "Where are you going?"

Ngumiti ako, "I'll just go to the bathroom."

Tumayo rin ito. Unlike me, she looks sober even after three glasses of wine. At umiinom na rin sila kanina nang dumating kami. Siguro ay sanay siya sa alak at hindi siya agad nalalasing.

Out of my League [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon