Chapter 17
Lunes nang magpatawag ng general meeting si Axl upang ipaalam sa lahat ang nangyari noong nakaraang linggo. It might trigger the fear of his employees for their safety lalo pa't pinatay ang CCTV room operator nang gabing iyon, but Axl has to tell them the truth dahil karapatan nilang malaman ang nangyayari.
Narito ngayon sa boardroom ang lahat ng department heads ng GGC. Narito rin si Ace at Yuge at sila ang nagpaliwanag ng updates tungkol sa ginagawang imbestigasyon.
"As you can see, we already housed a few more security. We have security guards all over the building and Ground Zero is working on another specialized technology to ensure everyone's safety." Axl said that made the department heads nod.
"The investigation will take a long while since we don't have enough leads to the suspect but we already obtained a facial composite." Tinignan ako nito at tinanguan.
That's my cue to distribute the copies of the facial composite to each of them. Inikot ko ang higit sa sampung department heads at iilan pang empleyado para bigyan ng kopya.
Tumango ang mga ito sa akin. Ang ilan ay nagtatagal ang titig kaya nginingitian ko nalang. Marahil ay naninibago pa sila at hindi na si Aliyah ang naririto ngayon.
Pabalik na ako sa kinaroroonan ni Axl nang maamoy ko ang pamilyar na pabango at amoy ng sigarilyo. The scent is so strong to ignore it kaya naman natigilan ako at napalingon sa mga taong dinaanan ko.
Kumabog ang dibdib ko. He's here? Kung ganon ay isa siya sa mga department heads? Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. Who among these people? And what's his reason?
Nakita ko ang pagkakakunot ng noo ni Axl habang nakatingin sa akin, sa tabi niya ay si Ace at Yuge na kapwa nakatingin din sa akin. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila.
"What is it Adrianna?" Tanong ni Ace nang makalapit ako.
Hindi ko maalis ang titig ko sa mga department heads. Lahat sila ay lalaki, maliban sa dalawang babae na galing naman sa housekeeping at cafeteria.
Sigurado ako sa naamoy ko, hindi ako pwedeng magkamali. Pero hindi ko alam kung kanino ko iyon naamoy. Kailangan ko munang makasiguro kung sino iyon bago ko sabihin kay Axl. Kapag nagkamali ako ay maaring maapektuhan ang imbestigasyon na ginagawa nila.
"What is it Adrianna?" Si Axl naman ngayon.
Tumingin ako sa kaniya. His eyes are dark and full of curiosity. Napailing ako.
Magsasalita pa sana siya nang may magtaas ng kamay mula sa mga department heads.
"Do you already have suspects?" Ang tanong ng lalaking palagay ko ay nasa mid-forties. Pinagmasdan ko ito at mabilis din akong napailing, it's not him.
Tinignan ko isa-isa ang mga lalaki. Most of them looks a bit older than Axl pero may dalawang lalaki ang tila kaedad niya lang. Natutok ang atensyon ko sa dalawang iyon.
Parehong matangkad ang dalawa. Their facial features look hard too. Kumunot ang noo ko. I'll probably know if I see their mouth covered with a mask, sigurado akong malalaman ko. Pero paano ko naman sila mapagsusuot ng ganon?
Sa sobrang pagkabaon ko sa pag-iisip ay hindi ko namalayang tapos na ang meeting at umaalis na ang mga tao.
Nang harapin ko ang tatlo ay nakatingin na ang mga ito sa akin na mukhang alam na ang iniisip ko.
"What is it?" Tanong ni Axl nang kami nalang ang naiwan sa boardroom.
Umiling ako. I can't mess up the investigation, dapat ay siguraduhin ko muna.
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romans"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis