Chapter 23
Balisa ako hanggang matapos ang karera. Maraming pumapasok sa isip ko. Aliyah knows a lot about Axl and the company, she was his secretary. Kaya ba madali lamang nilang naisagawa iyon ng gabing iyon?
At ano ang totoong pakay nila sa opisina ni Axl? Walang nawalang mahalagang bagay sa kaniyang opisina ayon sa imbestigasyon nila Ace. Kaya ano ang pakay nila sa opisina niya?
Muli akong tumingin sa direksyon ni Aliyah pero wala na siya roon. Nagpalinga-linga ako para hanapin siya pero napaigtad ako nang sumulpot si Axl sa harapan ko.
"What's wrong?" Nag-aalala nitong tanong.
Umiling ako.
Tapos na ang laro, nanalo siya. Pero may isang round pa na hindi siya kasali. This round is the real battle. Ang mananalo ang mag-uuwi ng isang-daang libong piso na nakahanda na rin ngayon dala ng mga tauhan ni Axl.
Tumabi sa akin si Axl. Tagaktak ang kaniyang pawis habang hawak ang helmet sa kabilang kamay. Iniabot niya iyon sa bodyguard.
Kumuha ako ng bottled water at isang towel at ibinigay sa kaniya. Tinanggap niya iyon.
Nanatili ang mga mata ko sa kaniya habang umiinom siya. Kahit nang nagpupunas na ng towel sa kaniyang noo at leeg ay nanonood pa rin ako.
Ano ang dahilan ng pagpasok ni Sir Calix sa kaniyang opisina? And how inportant is it to kill an innocent person?
Napakurap ako nang maramdaman ang braso ni Axl sa baywang ko, hinihila ako upang mas mapalapit sa kaniya.
Kita ko ang reaksyon ng mga empleyado niyang nanonood subalit wala siyang pakialam.
"A-Axl maraming nakatingin, baka kung anong isipin nila." Bulong ko.
"I don't care."
He rested his hand on the small of my back. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya at kahit pawisan ay tila lalo lang lumakas ang amoy noon.
"Who is it Adrianna?" Bulong nito sa akin.
Agad akong nabalik sa reyalidad. Tinignan ko siya at kitang-kita ko ang kuryosidad sa mga mata niya.
"Baka may makarinig.." bulong ko.
Aliyah is just around, ayokong makahalata siya.
He sighed. Nanatili kami sa ganoong posisyon habang pinanonood ang pangalawang race.
Tulad ng plano ay kailangan namin itong tapusin at inabot iyon ng pasado alas-singko.
Si Sir Jason ang nanalo. Nagbunyi ang buong Finance department lalo na nang sinabi niyang kalahati ng premyo ay para sa kanilang victory party.
Magdidilim na nang magpasyang magsi-alisan ang mga tao. It's gonna be a three hours ride back to Manila at buti nalang at Linggo bukas.
Hinintay naming makaalis ang lahat. Huling umalis ang mga department heads. Kumabog ang dibdib ko nang mamataan si Sir Calix at Aliyah na palapit sa amin ni Axl. Gayunpaman ay nanatiling normal si Axl.
"You're still good at it man!" Said Sir Calix to him.
Nag-usap sila na parang mag-bestfriend, na parang wala silang ginawang masama. Hindi ko lubos maisip kung paano nila iyon ginagawa.
"It's good to see you Adrianna," napaigtad ako nang batiin ni Aliyah.
Sinikap kong ngumiti. "Kamusta Aliyah?"
She smiled, "We're getting busy with our wedding preparations. Sa susunod na buwan ay magpapadala na ako ng mga invitation, you should expect one."
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romansa"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis