Chapter 21

7.9K 249 90
                                    

Chapter 21

Sa Mines View Park na kami nagkita-kita nila Ayesha at Ken dahil magsasara na daw iyon ng 8pm kaya doon na kami mauuna.

Alas-syete ng gabi nang magkita-kita kami doon. Isang oras nalang ang mayroon kami kaya naman wala na kaming ibang ginawa ni Ayesha kundi ang mag-picture.

Napakaganda ng view doon at mayroon din kaming picture na nakasuot ng mga damit pang-Ifugao.

Nang matapos doon ay sa Burnham na kami sunod na nagtungo. Ilang minuto lang ang layo nito mula sa Mines View.

Nang makarating doon ay manghang-mangha ako. Madalas kong makita ang pictures ng lugar sa internet at maging sa social media pero mas maganda pala ito sa personal.

Kahit gabi na ay marami pa ring tao at maliwanag ang buong lugar. The lake reflects the lights that surround it, in different colors. I find it so aesthetic at hindi ko napigilang kumuha ng mga litrato gamit ang aking cellphone.

Naglakad kami paikot doon at nang may nakasalubong na nagtitinda ng taho in strawberry flavor ay nagyayang bumili si Ayesha. Binilhan kami ni Kenneth at nagpasalamat naman ako.

"Gusto niyo bang sumakay?" Tukoy nito sa mga bangka.

Tinignan ako ni Ayesha, may malapad na ngiti sa mga labi. Ngumiti ako at tumango, kung hindi lang nagsalita si Axl sa aming likuran.

"We can't ride the boat Adrianna. My bodyguards won't be able to protect us if something happens."

Tumango ako. Naalala ko agad na may threat sa buhay namin. Inilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakitang bodyguards sa paligid, or maybe they're just somewhere. Mas maganda nga naman kung hindi namin sila kasama dahil baka pagtinginan kami ng mga tao.

Ayesha pouted pero sa huli ay naintindihan niya rin. Inakbayan siya ni Kenneth.

"You can try the other activities but not the boat, I don't want to risk."

Tumango nalang ako at nauna na sa paglalakad. Nahihiya ako kay Ayesha pero alam kong tama si Axl.

Nakarating kami sa isang parte ng park kung saan marami ang nagbabike. Narinig ko agad ang pag-aaya ni Ayesha doon kaya nilingon ko sila.

"But you don't know how to bike," tumatawang sinabi ni Kenneth.

"Meron namang two-seater, help me."

In the end ay nag-rent sila ng two-seater na bike. Pinanonood ko sila nang lumapit si Axl sa akin.

"You can try this,"

Tumango ako, hindi tumitingin. Kanina ko pa siya iniiwasang tignan dahil naaawkward talaga ako.

"Do you know how to bike?" Tanong nitong muli.

Humugot ako ng malalim na hininga at pinilit siyang lingunin. "Marunong ako."

Tumango ito, nakatitig sa akin. "I'll let you ride one then."

"I-ikaw?"

"I'll watch over you."

"Hindi ka sasakay?"

Umiling ito, "I'll stay here and watch. I will have two bodyguards rent a bike so they can be near you."

Sa huli ay tumango nalang ako. Ayesha and Ken waited for me. Axl paid for a solo bike at nakita ko agad ang dalawang bodyguards na sinasabi niya. Nasa likuran namin ang mga ito.

I enjoyed biking even when I'm driving alone. Ayesha and Kenneth looks like they're having fun too. Hindi rin kami masyadong lumayo kaya paminsan-minsan ay tinatanaw ko si Axl na nakaupo sa isang bench at nanonood sa akin.

Out of my League [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon