Chapter 41
Tahimik kami habang nasa sasakyan. Gusto ko ulit magtanong pero ayokong marinig ng mga kaibigan ko ang pag-uusapan namin kaya nanatili akong tahimik.
Isinandal ko ang ulo ko sa likod ng upuan at tuluyang naramdaman ang pagod para sa buong araw. Nahihilo man at gusto nang matulog ay pinilit kong manatiling gising para maituro ang apartment kay Axl.
Pero ganoon nalang ang gulat ko nang makitang lumiko ang sasakyan sa daan patungong university. Kunot noo ko siyang nilingon. "A-Alam mo ba ang apartment namin?"
Hindi ito nagsalita. Nanatili ang seryoso niyang mga mata sa daan na tila doon ibinubuntong ang pagkakainis.
Nakumpirma kong alam niya nga kung saan ang apartment nang pumasok ang sasakyan sa tamang kanto at di kalaunan ay tumigil mismo sa harap ng tinutuluyan namin.
Hindi makapaniwala ko siyang tinignan subalit binalewala niya iyon. Dali-dali akong sumunod nang bumaba siya upang pagbuksan ang mga kaibigan ko.
Gustong-gusto ko siyang kumprontahin pero hindi ko magawa dahil kailangan ko pang asikasuhin ang tatlo. Venise is already sleeping at mukhang hindi na kayang maglakad pa. Tinulungan ko siya sa paglabas sa sasakyan ni Axl habang si Karen ang tumulong kay Paula.
"Let me carry her," Axl tried to get Venise from me but I refused to. Sinimangutan ko lamang siya.
"Kaya na namin ito. Salamat sa paghatid.."
Hindi naman siya nagpumilit. Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa ng slacks na suot at matamang tumitig sa akin. "I'll wait for you here, let's talk."
Tumigil ako at huminga ng malalim. Nauna nang pumasok si Karen at Paula habang mukhang wala na sa ulirat si Venise sa tabi ko kaya naman may lakas ng loob na akong magsalita.
"Wala tayong pag-uusapan.."
"If you don't come out, I will sleep here and wait till morning." His voice is full of conviction at natakot ako agad na baka nga gawin niya iyon.
Nag-iwas ako ng tingin at hindi na sumagot. Sa halip ay tinulungan ko na si Venise na makapasok. Nang maihiga ko siya sa kama ay huminga ako ng malalim at napahawak sa haligi ng deck.
My knees feel so weak. Malakas ang kabog ng aking dibdib. I've been scared to see him again because I know I might just beg him to forgive me. Natatakot akong baka ako pa ang magmakaawa sa kaniyang tanggapin ako ulit sa kabila ng pang-iiwang ginawa ko. And I don't want that to happen, I don't want to be selfish.
Umupo ako sa gilid ng kama ng natutulog na si Karen. Siguro ay pagod na pagod at lasing na rin talaga sila at nakatulog na agad. Habang ako, gising na gising at nagtatalo ang puso't isip.
If I come out now, ano ang pag-uusapan namin? Naiisip ko palang ang mga kumprontasyon ay naduduwag na ako. At anong laban ko kapag titignan niya na ako gamit ang mga matang iyon? He can always intimidate me with those eyes.
Pero paano kung di ako lumabas? Totoo bang maghihintay siya diyan sa labas? At bakit? Para saan? Bakit siya nandito? Bakit kami mag-uusap?
Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip at nakainom din ako. I'm not sure if I'm in proper disposition to talk to him right now. Pero kailangan ko na nga sigurong harapin ang problemang ito. Maybe we can get closure if we talk about this.
Tumango ako sa naisip at huminga ng malalim bago tumayo at nagpasyang lumabas.
I saw him waiting for me, leaning on his car. He's on his usual black slacks and white buttondown longsleeves, with its cuffs rolled up to his arms.
Bumaling siya sa akin at tumayo nang tuwid. His eyes drifted on my body before his jaw clenched. Tumigil ako nang nakitang binuksan niya ang kaniyang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romance"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis