Chapter 38
Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na kami ni Alistair.
I don't think I've seen his eyes as dark as this before. Madilim ang kaniyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay. He looks calm and in control even when his eyes reveal darkness.
Isang beses lang na bumaba ang kaniyang mga mata sa akin bago tumigil kay Alistair. "I'm done here, I'm leaving."
Hindi sumagot si Air at tumango lamang. Axl didn't give me another look after that, diretso ang kaniyang pagsakay sa kaniyang sasakyan.
"Air--"
"Sshh.." he gently squeezed my arm, "He's still watching. Let's wait till he leaves."
Kinagat ko ang labi ko at muling bumaling sa sasakyan na ngayon ay umaandar na. The car is highly tinted too at tama si Air, baka nga nanonood pa rin siya.
Hindi ko alam kung bakit ako nag-iwas ng tingin kahit na hindi naman ako sigurado kung nakatitig ba siya sa akin. I just feel like it, like the intensity of his gaze is too heavy I can feel it despite the glasses of his car.
Umatras kami ni Air nang dumaan ang sasakyan nito sa harapan namin. I didn't dare follow his car with my gaze. Nanatili akong nag-iiwas ng tingin.
Nang tuluyang mawala ang kotse ay binitiwan din ako agad ni Air. Tiningala ko siya.
"I don't understand your plan Alistair. Bakit ganoon?"
He chuckled, "Adri, I told you he's crazy about you. He's been searching everywhere at galit na galit siya kay lola. He even threatened her that he's stepping down if he won't find you."
"A-Ano?" Hindi makapaniwala kong tanong.
He nodded, "I need to stop him from going crazy dahil kung hindi ay talagang iiwan niya ang kumpanya. I need him to focus at work for a while, habang kinukumbinsi ko ang lola na umamin at mag-public apology."
Nanlaki ang mga mata ko, "Madam Selena? Public apology?" It doesn't sound so right, it sounds impossible.
"That's the only way we can kill the issue Adri, so you won't have to agree to Aliyah anymore, so that you won't have any other reason to leave my brother. For now, he needs to get hurt so we can save you both."
Tila may mainit na tubig na natapon sa aking dibdib. Alistair obviously loves his brother. He's doing all of these not just to save the company but also because he loves his brother. At naaalala kong sinunod niya ang kaniyang lola at hiniwalayan ang babaeng mahal niya.
"Did you see his expression? I'm sure he's gonna be really angry at me." He chuckled.
Sumimangot ako, "Ayokong kayo namang dalawa ang magka-problema Air."
He smirked, "We have to do this Adri."
I sighed. Sa huli ay pumayag ako. Kahit hindi ko naiintindihan kung bakit naiisip niyang ganoon ang nararamdaman ni Axl para sa akin, na baliw na baliw ito sa akin.
Pero hindi ko rin mapigilan ang sariling mag-isip. Ano kaya ang iniisip niya ngayon? He saw me with Alistair and instead of walking to me, he just looked at me darkly. Is he mad? At paano kung sila naman ni Air ang mag-away?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung tama paba ito? Why do I have to hurt him anyway? Bakit hindi nalang ipaliwanag sa kaniya ang lahat?
I don't believe he's that crazy over me, na kaya nga niyang talikuran ang lahat para sa akin. Pero nakakatakot, paano kung totoo? Paano kung ako nga ang magiging dahilan ng pagtalikod niya sa kumpanya? Baka lalong hindi ko kayanin kung mangyari nga iyon. Kaya magtitiwala ako at maniniwala sa plano ni Air.
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romantizm"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis