Chapter 37

6.2K 189 63
                                    

Chapter 37

Iginugol ko ang buong linggo sa pagkukulong sa apartment at paggawa ng mga takehome activities ko. Sa umaga ay naglilinis ako sa apartment kapag tapos na sa ginagawa at kapag gabi naman ay nakikipag-kwentuhan na sa tatlo.

Mabilis ko silang nakasundo dahil masaya silang kasama at nakakalimutan ko din ang problema ko kapag magkakasama kami.

Ngayon ay Biyernes at may ilang activities sa school para sa araw ng mga puso. Niyaya ako ng tatlo na sumama at dahil wala na din naman akong gagawin dahil tapos na ako sa mga takehome activities ay pumayag ako.

Alas-diyes ng umaga nang nagtungo kami sa university. Bumungad sa amin ang pulang mga banderitas kung saan-saan at mga taong nakasuot ng pula at may dalang mga bulaklak, balloons, bears at iba pa.

Ang sabi ni Paula ay may color-coding daw depende sa status mo. At dahil pare-parehong walang boyfriend ang tatlo ay nakaitim ang mga ito. Habang ako naman ay nakaputi.

They've been asking me this morning about it, kung may boyfriend ba ako at hindi ko nanaman napigilan maisip si Axl.

It's Valentine's Day. Ni hindi man lang kami umabot sa araw na ito. We didn't even last for a month. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano kaya ang pakiramdam mag-celebrate ng Valentines kasama siya.

I grew up seeing couples celebrate this day. I grew up seeing boys surprising their girlfriends. I wonder how would it feel to be surprised by an Axl Genesis. Pero alam kong malabo ko nang maranasan pa iyon.

Ang sabi ay puti para sa study first at walang panahon sa lovelife. Pero ang totoo ay hindi ko naman ibinase sa color-coding ang damit ko.

I'm wearing a high-waisted pants and white shirt na nakatuck-in. Naaalala kong ito rin ang suot ko noong sportsfest sa GGC. Ito lang kasi ang casual na damit ko dahil halos corporate attire ang mayroon ako at iilang damit lang naman ang dinala ko.

"Ang ganda ganda mo Adrianna, sigurado ka bang wala kang boyfriend?" Pangungulit ni Karen.

Tinawanan ko lang naman siya. Mabuti nalang din at excited ang dalawa kaya nang nakarating kami sa mga booth ay nakalimutan din ni Karen ang pagtatanong.

Maraming booth sa university at nalaman kong wala ring klase para sa celebration kaya naman nagkalat ang mga estudyante sa covered court kung nasaan ang mga booth.

Inisa-isa namin ang mga booth na naroon at siniguro ng tatlo na may picture kami lagi. Ngumingiti ako at nagpopose sa tuwing tumatapat sa akin ang camera ng university photographer. Hindi ko namalayang nag-eenjoy na rin pala ako.

Kumain kami saglit sa cafeteria nang napagod. Maraming tao at siksikan, mabuti nalang nakahanap pa kami ng bakanteng lamesa. Umorder kami at kumain habang pinag-uusapan ang mga booth na napuntahan. Ipinakita rin nila sa akin ang mga pictures namin.

"Grabe Adrianna ang benta mo oh!" Kumaway si Karen sa mga lalaking nasa isang table di kalayuan sa amin.

"Kanina pa sila nakatingin."

Ngumiti lang naman ako sa kanila.

Nang natapos kumain ay nagpaalam ako na dadalhin sa mga professor ko ang mga takehome activities na natapos sa buong linggo. Ipapaalam ko na rin na papasok na ako sa Lunes.

"Dito nalang muna kami. Magtatagal kaba?" Tanong ni Venise.

"Baka matagalan ako, hahanapin ko pa kasi ang mga prof."

"O edi magtext ka nalang kapag okay na? Anong number mo? Para ititext ka din namin kung nasaan kami."

Saka ko palang naalala na hindi ko pa ulit binubuksan ang phone ko simula noong patayin ko iyon para iwasan ang mga tawag ni Axl.

Out of my League [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon