Chapter 40
Katulad ng pangako ko sa tatlong kaibigan ay inilibre ko sila ng dinner. Hindi sa mamahaling restaurant pero naging masaya na kami sa fastfood sa isang mall dahil magkakasama naman at nagkakatuwaan.
I am grateful I met these three. Kung mayroon man akong mabuting bagay na nakuha sa pag-alis ko kay Axl ay sila iyon, ang pagkakaibigan namin.
"Anong balak mo Adri? Magtatrabaho kaba agad o magpapahinga muna?" Tanong ni Karen.
Huminga ako ng malalim, nag-iisip pa ng sagot dahil sa totoo lang ay hindi pa rin talaga ako nakakapag-desisyon.
Gusto kong magpahinga pero ang mga katulad naming mahihirap ay walang panahon para sa ganon. Ang perang naipon ko mula sa pagtatrabaho kay Axl ay tumagal lamang ng isang buwan at pagkatapos ay kay nanay na ako kumukuha ng pera para sa gastusin.
May kaunti pa akong pera pero ayoko sanang umabot nanaman ako sa puntong walang-wala na. Mahirap ang maging mahirap.
"Dapat magpahinga ka muna kahit isang linggo lang. Sigurado naman akong ikaw ang hahabulin ng trabaho dahil sa latin honors mo."
Tumango ako at bahagyang sumang-ayon. Iniisip ko rin talagang kailangan kong magtrabaho agad para makaipon ng pang-masters.
Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan kahit pa tapos nang kumain. Natural na madaldal ang tatlo at kadalasan ay nakikinig at nakikitawa lang naman ako sa kanila.
Alas-nuwebe nang kinailangan na naming umalis sa mall dahil magsasara na. Halos hindi namin namalayan ang oras. Nakakahiya at inabot kami ng dalawang oras sa loob lang ng kainan.
"Saan na tayo? Uuwi naba?" Tanong ni Karen habang naglalakad kami palabas ng mall.
"Hindi paba kayo pagod?" Tanong ko.
"It's your celebration Adrianna kaya hindi pwedeng ganito lang." Tumawa si Paula at Karen bago humawak sa magkabilang braso ko.
"Edi kung ganoon, saan tayo?"
Nagkatinginan ang dalawa at halos sabay ding ngumisi. "Mag-bar tayo!"
Hindi makapaniwala ko silang tinignan, nagbabaka-sakaling nagbibiro lang sila pero mukhang seryoso ang dalawa. Nagkatinginan kami ni Venise at napailing nalang ito.
Sa aming apat ay kaming dalawa ni Venise ang mahina sa mga ganitong gawain. Habang si Karen at Paula ay mukhang sanay sa pakiki-halubilo at sa pagpunta sa mga club. Hindi ito ang unang beses na niyaya kami ng dalawang ito pero mukhang ngayon lang namin sila pagbibigyan.
Huminga ako ng malalim at sa huli ay pumayag na rin. "Saan ba?"
"Hmm magpaalam ka muna sa boyfriend mo Adri, baka magalit." Humagikhik ang dalawa na ikinakunot ng noo ko.
"Sinong boyfriend?"
"Yung naghatid sayo kanina!" Nagtawanan pa lalo ang mga ito.
I sighed, "Hindi ko nga siya boyfriend. Ex ko ang kuya niya kaya paano ko siya magiging boyfriend?" Paliwanag ko pero naalala ko rin na ibinilin ni Air na itext ko siya kung saan ang punta namin.
"Kung sabagay, awkward nga naman."
Hindi ko na pinansin ang sinabi nila at kinuha ko na agad ang phone ko para magtipa ng mensahe. Subalit bago ko pa magawa iyon ay rumehistro na ang pangalan ni Air sa screen ng aking cellphone.
Huminga ako ng malalim at sinagot iyon, "Hello.."
"Hi Adri! Nasaan kaba ngayon? Kanina pa ako nagtitext."
I really don't know why should I text him about my whereabouts today. Sa nakalipas na buwan ay hindi naman siya nagtatanong ng ganito.
"Pupunta kami sa bar ngayon, nagkayayaan." Sinadya kong hinaan ang boses ko at talikuran ang mga kaibigan dahil ayokong usisain nanaman nila ako tungkol kay Air.
BINABASA MO ANG
Out of my League [Completed]
Romance"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis