Chapter 31

6.7K 215 72
                                    

Chapter 31

"Nay.." sinundan ko si nanay sa kanilang quarters nang matapos maghapunan at natapos sila sa pagliligpit.

Pinanood ko siyang tanggalin ang kaniyang apron habang nakaupo ako sa kaniyang kama.

Hinarap niya ako nang matapos.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, huminga ako ng malalim at nagtanong. "Ayaw niyo po ba si Axl para sa akin?"

Umupo ito sa tabi ko, "Hindi sa ganoon anak.." Huminga ito ng malalim.

"Masaya kaba?" Tanong nito.

Tumango ako, "Sa isang buwan at mahigit naming nagkasama, napatunayan kong mabuti siyang tao 'nay. Hindi ba't iyon din po ang sinabi niyo sa akin?"

Tumango ito, "Alam ko anak, mabuting tao si Axl.."

"Kung ganoon ano po ang problema?"

Tumitig ito sa akin, puno ng pananantiya ang mga mata. "Mabuting tao si Axl, ang problema ay isa siyang Genesis." Malungkot na sinabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Huminga ito ng malalim, sa pagkakataong ito ay alam kong may alam si nanay.

"Nay.."

"Oo at mabuti ang pamilyang ito sa akin pero anak..mayaman sila, mayaman na mayaman. At nakakatakot, nakakatakot madamay sa buhay ng isang tulad niya."

Kinagat ko ang labi ko, guilty dahil alam kong nadamay na ako sa mga pangyayari sa buhay ni Axl at hindi ko iyon ipinaalam sa kaniya.

"Hindi kaba natatakot? Makapangyarihan ang pamilyang ito anak, at hindi ko gustong maranasan mo ang dinanas ng mga babae sa buhay nila."

Kumabog ang dibdib ko. Alam ko, alam kong kaunti nalang at sasabihin ni nanay ang lahat ng nalalaman niya.

"Ayokong maranasan mo ang dinanas ni Ma'am Poly sa mga magulang ni Sir Arsen. Ayokong maranasan mo na hindi kailanman ituring na pamilya katulad ng ginagawa nila kay Ma'am Poly."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

Hinawakan nito ang kamay ko, "Anak kailanman ay hindi nila tinanggap na manugang si Ma'am Poly. Ginawa nila ang lahat para mapaghiwalay ang mag-asawa. At kung hindi lang buntis si Ma'am Poly kay Axl ay hinding-hindi papayag ang mga magulang ni Sir Arsen na magpakasal sila."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala kay Aliyah nang sabihin niyang naghirap ang kaniyang kapatid sa mga Genesis ngunit ang marinig ang lahat ng ito ngayon kay nanay ay kapani-paniwala.

Nagmula sa hirap si Ma'am Poly kaya kailanman ay hindi siya tanggap ng lola ni Axl. At ganoon din ba ang nangyari sa kapatid ni Aliyah?

"Ipinaglaban ni Sir Arsen si Ma'am Poly at si Axl ang naging dahilan kung bakit pinayagan silang magpakasal. Nag-iisang anak si Sir Arsen, walang ibang gusto ang kaniyang mga magulang kung hindi ang magka-apo. At naulit ang bagsik ni Madam Selena sa kaniyang apo nang mahulog ang loob ni Axl sa isang babae mula sa orphanage."

Sumasakit ang dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang mga susunod na maririnig ko. Pero kung hindi ko ito pakikinggan ay mas mahihirapan ako.

"Anak nagkaroon ng kasintahan si Axl, kababata niya, si Keziah."

Tumango ako, "A-alam ko po.."

Kumunot ang noo ni nanay, "Alam mo?"

"Nakilala ko po ang ate niya, si Aliyah."

"Alam mo ang nangyari?"

Umiling ako, "Hindi po."

Out of my League [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon