CHAPTER 2: Seth

710 70 22
                                    


"Hoy! Ano to?! Bumili lang ako ng banana cue. Iba na agad nilalandi mo diyan" he gave me a death glare.


Hinila ako patayo ni Ken at palayo doon sa kausap kong lalake. Lah! Nagtatanong lang naman yung tao e. Di ko naman nilalandi. I was about to, na-preempt lang. Char.


He suddenly held my hand then intertwined it with his. I started playing with my lips to prevent myself from smiling. I would always try to act normal every time he glances at me but deep inside I am losing myself. My hands fits in his. Hindi na ako maghu-hugas ng kamay ! Charot!


It's Sunday today and part of my routine every sunday ay ang mamalengke. May maliit na tindahan si mama ng mga pagkain sa lugar namin. Ililista na niya yung mga kailangan niyang ingredients tapos ako na bahalang mamili non. And of course, Ken is my assistant and driver. I turned to look at him who was wearing a black shirt and a pair of plain cargo shorts. Kahit mayaman si Ken hindi siya maarte.


"Ang mahal ng banana cue nila dito! Bente!" he complained. He's rich but very stingy. Baka mamaya naniningil na sa'kin 'to ha.


"Mahal na kasi yung asukal, bes. Duh! Inflation!" I informed him. Baka hindi niya pa alam' yon.


Wala naman kasi siyang alam.


"Buti pa yung asukal nagmamahal ! " he whispered. See? He's always goofing around.


Mahal naman siya nung mahal niya ah! Haha. Sana all! :(


He told me to wait inside his car. Siya na daw ang bibili ng mga fresh meats sa loob. Kilala na rin kasi si Ken ng mga tindera dito. Ilang taon na niya akong sinasamahan dito e. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya akong papasukin sa loob ng palengke ngayon. He likes to be dominant sometimes. Kung maka-utos wagas!


"Hoy, andyan ka na pala?" gulat na tanong ko kay Ken nang bigla niyang ibalibag ang car door. I watched him struggle as he tries to put all the plastic bags at the back seat. There was a cigar in his mouth already.


"Ay hindi, wala! Nakita mo na nga diba tapos magtatanong ka pa. Bakit ka ba kasi tulala diyan? Tapos magugulat ka na tumabi ako sa'yo. Sabi ko sayo wag kang magda-drugs eh--


I tried to hit his head a little to shut him up. Nakakairita. Ang daming satsat. Hinawi niya ang kamay ko at tumawa. Pinatong niya ang isang braso niya sa upuan ko at lumapit sa'kin.


"Sa susunod wag kang lalabas ng bahay niyo na ganyan ang suot! Bakit ba kasi ang ikli ng shorts mo?" reklamo niya. He sounded like my protective father. Ngumuso ako at tinignan ang shorts ko.


"Ano naman? Gusto mo hubarin ko nalang?" naka-ngising tanong ko sa kanya.


Instead of reacting, he took of one his extra jackets at the back seat. Nagulat ako nung ipinatong niya 'yon sa legs ko. Umiwas siya ng tingin sa' kin at tumingin sa malayo. He looked so serious but satisfied.

The Day I Turned Gorgeous(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon