CHAPTER 34: Everything

552 20 2
                                    


"Baby, bilisan mo" I looked down and cried. 


He reached for my hand and squeezed it. Napatakip ako sa bibig ko. Marami pa akong hindi nasasabi sa papa ko. Pa'no kung huli na ang lahat? 


"Babe! Fuck! Be careful!" sigaw niya dahil muntik na akong masagasaan ng ambulansya pagkababa ng sasakyan. 


I immediately rushed to the emergency room. I was feeling weak on my knees when I saw my mother sitting on a chair with her clothes covered in blood. Mabilis siyang napalingon sa akin nung nakita niya ako. 


"Ma" I cried in her arms when I went to her. I wiped the tears on my face. "Mama, anong nangyari?" 


"Saka ko na ipapaliwanag. Kailangan nilang operahan ang papa mo. Pero, anak kailangan ng isang milyon" she cried. 


"Isang milyon?! Saan naman tayo kukuha ng isang milyon?" napa-awang ang bibig ko. 


"Okay na. They'll perform the surgery now"


Napalingon ako. I saw Ken walking towards us. Behind him was my brother. Pagkasabi niya noon ay mabilis na nagpuntahan ang mga doctor at nurse. They transferred my father in the surgery room right away. 


"Thank you" bulong ko kay Ken.


Kahit wala siyang sinasabi ay alam kong siya ang may gawa noon. 


Nagpunta kaming apat sa chapel. Beside me is my Ate. Sa harap naman ay si Mama at Kuya. We were all kneeling on the floor, begging those who are in heaven.


Lord, please. Hindi pa ako handang mawalan ng ama. Not yet. Gusto kong maging maayos pa ang lahat. Don't take my father yet. Please.


"Sumugod si Gascon sa bahay. Sinisingil niya yung matagal ng utang ni Papa sa kanya. Hindi sinabi sa atin ni Papa na umutang siya kay Gascon nung nawalan siya ng trabaho sa barko. Sobrang laki na din nung interes. Kaya pala nagpupumilit si papa noon na lumipat sa Bulacan" my Ate explained. 


Napahilot ako sa sentido ko. He had no choice but to ask money from a loan shark. Hindi na nakasampa si papa sa barko simula nung nagkasakit din siya. Hindi rin siya nakahanap ng trabaho dito sa Pilipinas dahil may edad na rin. 


"Tapos ayun. Sumugod si Gascon sa bahay. Walang pang-bayad si papa kaya humugot ng baril at pinutukan si Papa." she added. 


"Magkano na lahat ng utang ni Papa sa kanya?" 


"Four million yung principal tapos kalahating milyon na yung interes" 


Napatingin ako kay Mama. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa taas. She's still in shock. 


We all stood up to leave the chapel. I saw Ken waiting outside the surgery room while holding bags of food. Umupo ako sa tabi niya. He started giving out bottles of water to us. 

The Day I Turned Gorgeous(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon