Chapter Two

347 7 0
                                    

Dahil nabasa siya ay nilamig naman siya sa loob ng sasakyan ni Gil. Kahit isinara niya ang nakatapat na aircon sa kanya ay nilalamig pa rin siya. Wala naman siyang pamunas sa backbag niya kundi ang panyo niya na kanina ay ipinamunas niya sa natapong softdrinks sa dibdib ng binata. Kinuha pa rin niya iyon at pinunasan ang mukha at braso. Pero dahil basang basa ang T shirt niya ay hindi naman nawala ang pangingikig niya sa lamig. Wala din siyang jacket sa maleta niya. At sumisigid na rin ang kirot ng nasprain niyang paa.

Gusto sana niyang sabihin kay Gil na ioff na lang ang aircon, pero hindi naman sila makapagbukas ng bintana at maaangihan sila ng malakas na ulan at nahihiya din siya na magsabi dito na hinaan nito ng kaunti ang aircon.

At dahil hindi naman yata siya napapansin ni Gil sa dilemma niya ay ipinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at ipinikit na lamang ang mga mata upang tiisin ang lamig at ang sakit ng paa niya.

Nang maramdaman niyang bigla silang huminto ay napamulat siya at napatingin kay Gil. May inabot ito sa likod ng sasakyan na isang bag at mula roon ay may inilabas na plain yellow Tshirt at inabot sa kanya.

"Wear that" tipid nitong sabi at inalis na ang tingin sa kanya. Ilang saglit na hawak lang niya ang malamang ay Tshirt nito dahil malaki iyon at may naamoy siyang nakakahalina doon, his expensive cologne and manly scent. Pero paano naman siya magbibihis? Sa harap nito? Nanlalaki ang matang napatingin siya sa binata. It would be awkward and inconvenient na lumipat pa siya sa backseat upang magbihis dahil pag bumaba pa siya ay lalo siyang mababasa ng ulan.

"Ano pang hinihintay mo? I told you to wear that kung ayaw mong mapulmonya!" tila naiinip namang sabi ni Gil ng hindi pa rin siya kumikilos.

"P-paano... I mean, dito sa harap mo?" ang namumulang tanong niya dito.

"So, iyan ba ang pinoproblema mo? FYI, wala akong interes diyan sa katawan mo na noon ay halos ipagduldulan mo sa akin, ano't ngayon ay tila ka matimtimang birhen kung makaasta? At nakita kona iyan noon at wala namang espesyal sa nakita ko, flat naman.." ang nakakainsultong sabi nito.

Napahumindig siya. Ang walanghiya, ipamukha pa sa kanya na flat daw ang.. wala sa loob na napayuko siya sa sariling dibdib..at napangiwi..tama nga ito..flat nga..pero kahit na..nakakainis talaga ang walanghiya! Kung hindi lang umuulan at gabi na ay baka nagwalk out na siya!

"At kotse ko ito kaya hindi ako ang mag aadjust para sayo! At bilisan mo na dahil lalo tayong gagabihin!" impatient nitong sabi.

Flat pala ha..tingnan natin kung wala ngang effect sayo ang sinasabi mong flat na...

Sa inis niya ay walang pakundangang tinanggal niya ang suot na basang Tshirt at nang makita ni Gil na ina unhook niya ang nabasa na rin na bra niya ay namumulang agad na iniwas ng binata ang tingin at ipinaling ang tingin sa bintana sa side nito. There she is sitting beside him topless!

Si Gil ay naman ay napatiim bagang. Damn woman! At naghubad talaga sa harap niya!  Muntik na niyang makita ang... Whew! Bakit ba tila siya biglang nainitan ay kaylamig ng panahon at umuulan bukod sa nakabukas naman ang aircon ng sasakyan!

Si Saree naman ay napapangiti. Umm loko akala mo ha! At iyan pala ang sinasabi mong walang epekto ha! Ang lakas ng aircon at ang lamig pero mukha kang naiinitan ha! At ni hindi makatingin!

At dahil naiinis nga siya ay binagalan pa niya ang pagsusuot ng Tshirt. Kunwa ay hindi niya iyon maisuot suot ng maayos.

"Ano ba Saree! Tshirt lang hindi mo pa maisuot suot agad?" nagagalit na nitong sabi na naiinip na yata sa tagal niyang magbihis.

Lalo siyang napangiti.  For the first time ay tinawag siya nito sa pangalan niya and it felt music to her ears kahit na ba nagagalit ito.

At dahil nasiyahan naman siya sa nakitang reaksyon nito at tinawag pa siya nito sa pangalan niya ay tinapos na niya ang pagsusuot ng Tshirt.

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon