Chapter Five

283 6 2
                                    

TATLONG buwan na mula ng huling makita ni Saree si Gil. At ganoon na rin katagal siyang laging malungkot at matamlay. Ni hindi na muling pumunta ng supermarket ang binata. Bakit kaya? Ayaw na ba siya nitong makita matapos niya itong tanungin kung may gusto ito sa kanya? Natakot ba ito na baka maging clingy siya dito kapag sinabi nitong may gusto ito sa kanya?

O dahil ba sa mahirap lang siya kaya hindi siya nito gusto? Lalong kumirot ang dibdib niya sa naisip. Namimiss niya ang binata pero ano ang magagawa niya kung wala naman itong gusto sa kanya. Malamang ay pinagtripan lang siya nito.

Malungkot siyang napabuntunghininga habang nagbibihis na pauwi. At pagkatapos ay kinuha ang backbag sa locker niya. Ganoon lang ang routine niya araw araw. Bahay trabaho, trabaho bahay. Ni hindi siya sumasama kina Lyn o Benjie kapag nagkakayayaang lumabas tuwing araw ng suweldo.

Kailangan niya ang pera para sa gamutan ng nanay niya kaya hindi siya puwedeng gumastos sa kasayahan lang. At kulang pa ang kita niya sa pang araw araw nilang pangangailangan kaya hindi siya puwedeng maghappy happy lang. Kahapon ay suweldo at halos dumaan lang iyon sa mga kamay niya.

Nang tumunog ang cellphone niya ay napakunot noo siya. May nagtext sa kanya na unregistered number. Palabas na siya ng supermarket.

Please smile more sweetheart..lagi ka na lang matamlay..

Iyon ang laman ng text. Biglang sumikdo ang dibdib niya. Isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng sweetheart.. Napalingon siya sa paligid. Si Gil ba ang nagtext sa kanya? Pero nasaan ito? At paano nitong nakuha ang number niya?

Palinga linga siya sa paligid ng biglang may magsalita sa likuran niya. "Sweetheart!" hinawakan siya niyon sa balikat.

"Ay palakang guwapo!" ang napatiling sabi niya.

Paglingon niya ay ang guwapong guwapong mukha ni Gil ang nakita niya. In his usual old faded jeans, pale yellow sportshirt, and signatured rubber shoes. Nakangiti ito sa kanya, even his eyes are smiling. Jusko, malamang ay ilang gabi na namang magiging laman ng panaginip niya ang ngiting iyon ng binata!

"Sweetheart, alam kong guwapo ako pero hindi ako palaka" tumatawang sabi nito.

Namimilog ang matang nakatingala lang siya sa binata. Hindi makapaniwalang narito ito ngayon sa harap niya. Humagod ang tingin niya dito. Namiss niya ito ng sobra, at kahit nasaktan siya noong huli sila nitong nagkausap ay lagi pa rin itong laman ng puso't isip niya at may mga gabing natatagpuan niya ang sarili na umiiyak dahil sa pagkamiss dito.

"Did you miss me that much sweetheart? You can't seem to take your eyes off of me.." ang naaamuse nitong sabi.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. Ganoon ba siya ka obvious?

Napaigtad siya ng itaas nito ang baba niya sa isang kamay nito. And she met his gorgeous brown eyes. Masuyong nakatunghay sa kanya. Lalo namang bumilis ang pintig ng puso niya, at kung kukunan siya ng blood pressure ngayon ay tiyak na mataas iyon hula niya!

Nag iinit ang pisngi niya habang masuyo nitong hinahagod ng tingin ang magandang mukha niya. He was looking at her as if memorizing every inch of her pretty face.

"Namiss mo ba ako?" tanong ulit nito.

"I-, hin-, kasi..." nagkandabulol pa siya kahit wala naman siyang word na mabuo buo upang sagutin ang tanong nito. And she can feel her cheeks turning red just by him looking at her like that.

Lalo itong naamuse sa hitsura niyang pulang pula sa pagkahiya.

"I miss you sweetheart!" masuyong deklara ng binata. At sa gulat niya ay yumukod ito at siniil siya ng mabilis pero mariing halik sa labi na ikinasinghap niya ng malakas. Nanlalaki ang matang napatingala siya kay Gil. It was her first kiss! And it came from the man who made her fall in love..

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon