"Sino bang tinatanaw mo diyan at tila giraffe ka diyan kandahaba leeg e" natatawang sabi ni Lyn sa kanya.
"Wala" iwas niya sa kaibigan. "Ikaw nga diyan, ang layo ng narating, anong ginagawa mo dito sa diapers section ha, hindi ba't nasa dulo ang toiletries section? Sige ka masabon ka na naman ng bisor natin" sita niya sa kaibigan.
"Ito naman huwag kang maingay, lumabas si Madam damin, lunch out yata kaya samantalahin ko na lang saka kanina pa kasi kita nakikitang may tinatanaw, sino ba kasi..." wala na sa kaibigan ang atensyon ni Saree kundi sa lalaking kanina pa niya sinusundan ng tingin. At maging si Lyn ay napatanga sa nakita.
"Jusko Saree! Ang panty ko pulutin mo!" napalakas nitong sabi, napatingin tuloy ang lalaking nakabangga niya noong isang araw. At pagkatapos ay agad na nitong inalis ang tingin sa kanila na para bang hindi siya nito natatandaan! May kumirot sa dibdib niya sa inaktong iyon ng lalaki.
"Hoy ang bibig mo!" saway niya sa kaibigan.
"Kaya pala kandahaba leeg mo jusko Saree, makalaglag panty sa kaguwapuhan pala yang tinitingnan mo e!" kinikilig pa rin nitong sabi.
"Siya yun" pahabol niyang tingin sa matipunong likod nito. Siguro ay nagdeliver ito ngayon dahil nga supplier ito ng supermarket.
"Ang alin?" tanong ni Lyn sa kanya.
"Yung kinukuwento ko sayong nakabangga ko..." hindi pa niya natapos ang sinasabi ay tumili na ito. Agad niyang tinakpan ang bibig nito. Napatingin tuloy ang ibang nagogrocery.
"Jusko Saree huwag mo ng pakawalan iyan! Lord, sana may makabangga din ako na ganyan kaguwapo at ka hot!"kilig na kilig ito.
"Macaspac!" narinig nila ang matinis na boses ng bisor nilang si Madam Dani, pero ang lihim nilang tawag dito ay Madam damin, ang sungit kasi, matandang dalaga yata.
"Lagot ka Lyn hanap ka na dun!" taboy niya dito. Natatarantang tumakbo naman ito pabalik sa puwesto nito.
Siya naman ay nanghinayang at hindi man lang siya pinansin ng lalaki. Ni hindi niya alam ang pangalan nito. May isang buwan na rin silang nagtatrabaho doon sa SJ Supermarket bilang dicer at ngayon lang niya ulit nakita ang lalaki. Siguro ay personal itong sumama sa pagdeliver kaya nandito ito ngayon. Umasa pa nga siya na ngingitian siya nito kapag nakita siya pero isang balewalang tingin lang ang ibinigay nito sa kanya!
Sumasakit ang dibdib na inayos niya ang pagkasalansan ng mga diapers kung saan siya nakaasign. Siguro'y nakalimutan na siya nito. Sa guwapo nito, imposibleng mawalan ito ng babae.
Napahumindig siya habang nag aayos ng mga diapers dahil narinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki. Pero tila may kausap itong babae, at kahit nakatalikod siya ay ramdam niya na close ang dalawa base sa magiliw na pag uusap ng mga ito.
Dahan dahan siyang lumingon, at ilang hakbang mula sa kanya ay nakita niya ang lalaki, nakatawa at masuyong kausap ang isang napakagandang babae! Sexy at mukhang mayaman. Nakayapos pa sa baywang ng lalaki ang babae habang nag uusap ang mga ito.
Nagdaramdam na inalis niya ang tingin sa lalaki! Hmpp! Kaya pala hindi ito namamansin, may magandang babae palang kasama! Malamang ay girlfriend nito iyon!
Ano bang pakialam niya kung may babae itong kasama? Ni hindi niya ito kilala kaya bakit siya naaapektuhan ng ganito? Hindi nga niya alam ang pangalan nito, pero habang tumatagal na naririnig niya ang masuyong tawanan ng dalawa sa may likuran niya ay tila may mga mumunting karayom na tumutusok sa puso niya. May sinasabi pa ito noon na magkikita pa rin sila pero ngayong nakita niya ito hindi naman siya nito pinansin!
Nagkandamali tuloy siya sa pag aayos ng mga diapers at nagkandalaglag ang mga display sa ekskaparate.
"De Leon, ano bang nangyayari sayo at nag avalanche na yang mga diapers!" masungit na sita ni Madam damin na biglang sumulpot sa kung saan.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...