Chapter Thirteen

265 4 0
                                    

NATULOS sa kinatatayuan si Saree nang pumasok si Grace sa pintuan ng simbahan, sa tabi nito ang may edad na lalake at babae na siguro'y mga magulang nito na siyang maghahatid sa altar. Napakaganda ni Grace. At hindi niya mapigil na managhili, dahil ikakasal ito sa lalaking pinakamamahal niya.

Napatingin siyang muli sa may altar. Nandoon na si Gil at katabi nito ang siguro'y bestman nito. Sa bandang hulihan siya umupo para malayo siya sa binata at para hindi niya gaanong makita ang kasalang magaganap sa harap ng altar.

Pero pasaway yata talaga ang puso niya dahil kahit binalak niyang hindi magsuot ng contact lens ay nagsuot pa rin siya. Gusto pa rin niyang masilayan si Gil kahit na tila may pumipilas sa puso niya kanina pa. Kaya naman kahit nasa hulihang hilera siya ng mga upuan ay malinaw niyang nakikita ang saya sa guwapong mukha ni Gil. Siyempre masaya ito, ikakasal na kasi!

Pero kanina pa siya naiilang, dahil pagkapasok pa lamang niya sa simbahan at ng magtama ang mata nila ng binata ay hindi na nawala ang matiim nitong pagkakatitig sa kanya. His gaze from across their distance could froze her from where she stands.

At ayaw man niyang bigyang pansin, pero bakit tila ang tingin nito sa kanya ay may kasamang paghanga? And if she could be more honest with herself sa naiisip niya, na gusto niyang mahiya sa sarili dahil naisip niya, because Gil is staring at her as if he desires her!

Napailing iling siya at nahihiya sa sarili kung bakit niya naisip iyon. Jusko kung anu ano na ang naiisip niya. Baka imagination lang niya iyon. Goodness ikakasal na nga ito kaya paanong titignan siya nito ng tingin na may pagnanasa! At huwag ng idagdag pa na sa mga nakalipas na araw ay hindi naman siya nito pinagkakausap dahil sa nangyaring sagutan nila noong isang araw at mula noon ay laging may kasama o ka date itong ibang babae, kaya paano niyang naiisip na pagnanasaan pa siya nito?

Inalis niya ang tingin kay Gil at ibinalik muli kay Grace. Nagsimula na itong magmartsa habang tumutugtog ang famous na wedding march. And with Grace's every move towards the altar it's like her heart is being torn apart. Muli niyang sinulyapan si Gil na ngayon ay wala na ang tingin sa kanya kundi na kay Grace na nakangiti at buong pagmamahal na hinihintay na makalapit ito sa altar.

Nang nasa harap na ng altar si Grace at aabutin na ang kamay ng groom upang humarap sa altar ay napayuko siya. May mga luhang nalaglag sa pisngi niya na hindi niya napigilan. Ano ba naman kasi ang naisip niya at pumunta pa dito sa kasal ng lalaking pinakamamahal niya? Masokista yata talaga siya. Gusto niyang saksihan ang isang bagay na magdudulot ng pinakamatinding sakit sa puso niya.

Habang idinadaos ang kasal ay hindi na siya muling tumingin sa altar. At ng hindi na niya kaya dahil pakiramdam niya ay magbibreakdown na siya ay tumayo siya at walang lingon na lumabas ng simbahan. Hindi na niya hihintayin pang magpalitan ng vows ang dalawa at baka hindi niya kayanin.

Paglabas ng simbahan habang hilam sa luha ang mga mata niya ay sinalubong siya ng mabining hangin at kahit paano ay nabawas ang bigat sa dibdib niya.

Nang luminga siya ay nambroblema naman siya. Malayo sa daan ang simbahan at wala naman siyang matanaw na jeep o kahit anong masasakyan. Pero gusto na niyang makaalis dito. Ititext na lang niya si Grace kung bakit kinailangan niyang umalis agad. Magdadahilan na lang siya na masama ang pakiramdam niya. Agad niyang idinayal ang numero ni Paulo upang magpasundo.

Umupo muna siya sa mga benches sa labas, pilit na pinapakalma ang sarili. Mga tatlumpung minuto ang nagdaan ng matanaw niya ang sasakyan ni Paulo. Agad siyang tumakbo palapit dito at umiiyak na sumubsob sa dibdib ng kaibigan. Napayakap naman ito sa kanya habang hinahagod hagod niya ang likod ng dalaga.

"Hey anong nangyari?" nagtatakang tanong nito habang iginigiya siya papasok sa sasakyan nito. Hindi niya ito sinagot. Basta tahimik lamang siyang lumuluha.

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon