PAGKAGISING ni Gil ay napabalikwas siya na tila naalimpungatan. Umupo siya saglit at sinapo niya ng dalawang kamay ang ulo. Sa sahig ay ilang basyo ng canned beer. Uminom pa siya kagabi sa kuwarto niya dahil sa nag away sila ni Saree.
Nang maalala ang dalaga ay dagli siyang tumayo upang hanapin ito. Napatingin siya sa wristwatch na suot na hindi na niya nahubad kagabi sa kalasingan. Alas dose na ng tanghali! Ganoon katagal siya nakatulog?
Una niyang pinuntahan ang silid nito. Wala ito doon. Sunod ay sa baba, sa salas, sa dining, sa kusina, kahit sa garden ay wala. At ng malibot niya ang buong bahay ay kinabahan siya. Nilayasan na ba siya nito? Malamang, sino ang hindi aalis sa mga masasakit na salitang sinabi niya kagabi dito?
Lalong sumakit ang ulo niya na bumalik siya salas at napatingala.
What now? Di ba pinapaalis mo siya? Ngayong umalis ito hinahanap mo naman! You must be mad Gil!
Nang hindi mapakali ay muli siyang bumalik sa silid ni Saree at napakuno noo siya ng mapansin na naroon pa rin ang maleta nito sa gilid ng cabinet. Hindi niya iyon napansin kanina dahil natataranta siyang hanapin ito.
Kumakabog ang dibdib na binuksan niya ang walk in closet at nakahinga siya ng maluwag ng makitang nandoon pa rin ang mga damit ni Saree. Ang akala niya'y iniwan na siya nito ng
Nang lumabas siya sa silid nito ay agad siyang naligo at nagbihis. Ni hindi na siya kumain. Madilim ang mukha ng paandarin niya ang sasakyan. Narinig niya kagabi kung anong oras at kung saan magkikita si Saree at ang lalaking iyon. Paanong hindi niya malalalaman? Pinakinggan niya ang pag uusap ng dalawa na umabot yata ng isang oras ng harutan ng dalawa sa cellphone, at naririnig pa niya ang masayang pagtawa ng dalaga na lalong nagpahighblood sa kanya. At ngayon sinuway nito ang sinabi niyang huwag itong aalis at makikipagkita sa lalaking iyon.
Pero hindi ba sabi mo kapag umalis siya ngayon ay huwag na itong bumalik? Pero bakit ngayon ay susunduin mo pa ito?
Hindi rin niya alam kung bakit. Ang alam lang niya ay hindi niya gustong sumasama si Saree sa lalaking iyon na mukhang close na close dito. Hindi niya gustong tumatawa si Saree ng dahil sa lalaking iyon. Gusto niya siya lang. Pero paano mo siyang mapapatawa e lagi mong inaangilan, malamig ang pagtrato mo at lagi mong pinagsasalitaan ng masasakit? She deserved it. May kasalanan ito sa kanya.
Kuyom ang kamao na pinaharurot niya ang sasakyan niya.
KASALUKUYAN silang kumakain ni Paulo. Inilibre siya nito dahil napromote ito into manager. Tulad ng dati, tawanan at biruan sila. Nahahampas niya ito sa dibdib sa tuwing may sinasabi itong nakakatawa. At kahit paano ay nakalimutan niya ang pinagdadaanang problema.
Kahit anong pilit nito ay hindi niya sinabi kung bakit wala siya sa tapsilogan. Sinabi na lang niya na may inaasikaso lang siya. Ipinasya niyang huwag ng sabihin dito, dahil magtataka ito kung bakit siya pumayag na maging katulong ni Gil samantalang may maliit naman siyang negosyo. At ayaw na niyang sabihin ang dahilan kaya ganoon.
Nagulat siya ng biglang hawakan ni Paulo ang kamay niya.
"Pau?" takang tanong niya ng tangkain niyang hilahin ang kamay pero hindi nito iyon pinakawalan.
"Saree, ilang taon ko din itong pinigilan, noong una talagang sa isang kaibigan lang ang turing ko sayo, lalo na noong kayo pa ni Gil..alam ko mahal na mahal mo siya, kung bakit kayo nagkahiwalay ay hindi ko alam at alam kong ayaw mong sabihin, nirerespeto ko iyon, pero ngayon, napag isip ko, ikaw lang ang taong nakakaintindi sa akin, at naging malaking bahagi ka na ng buhay ko, hindi ko napapansin ang pagtingin pa lang iyon ay unti unting napunta na sa pag ibig, nagkakaedad na rin ako at gusto ko na ring magkapamilya at tingin ko ito na ang tamang panahon para sabihin ko sayo ito.. mahal kita Saree..kung ipahihintulot mo, puwede ba kitang ligawan?" madamdaming sabi nito, matiim ang matang nakatunghay sa kanya habang hawak hawak ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...