"B-bakit mo ako hinalikan?" humihingal hingal niyang tanong sa binata ng sa wakas ay pakawalan nito ang mga labi niya. Her heart is throbbing violently against her chest that was still pressed intimately againt his. While his arms around her waist disabling her to move, and all she could do is to stare at his thin blade, hot, kissable and red lips that has kissed her torridly a few seconds ago.
Nararamdaman niyang nag iinit ang pisingi niya sa pamumula, paano kasi'y tinugon niya ang halik ng binata at nakuha pa niyang umungol kanina! Jusko nakakahiya! Ikakasal na ito at heto siya at nakikipaghalikan ng walang habas sa lalaking ito.
"Because I want to" he said smirking.
Mula sa mga labi nito ay napaangat ang tingin niya sa sinabi nito. And her eyes met his brown eyes. May nakakalokong ngiting naglalaro doon na ikinairita niya. Pinaglalaruan ba siya nito?
Inilagay niya ang mga kamay sa dibdib nito upang itulak ito pero hindi siya nito hinayaan. Naniningkit ang mga matang tumingin siya dito.
"H-hindi mo iyon dapat ginawa. Ikakasal kana, hindi magandang tingnan" ang nauutal niyang sabi. Paano kasi'y nanunuot naman ang tingin nito sa kanya ngayon.
"This is my house Saree, I can do what I want, and besides you even moaned, and my wedding, huwag mo iyong problemahin" his voice huskier as he surveyed her pretty face as if memorizing every inch.
Namula naman siya sa sinabi nito at sa tila hindi matapos tapos na nanunuot nitong tingin sa kanya. At ang walanghiya! At talagang sinabi pa nito na napaungol siya kanina habang hinahalikan nito!
Jusko Gil, mahina ako pagdating sa mga ganyang titig mo sa akin at baka bumigay ako! Pero hindi puwede, kanina lang sa TV ay buong pagmamahal kang nakatitig sa babaeng iyon and you even confessed your love for her to the world kaya hindi to maari!
"B-bitiwan mo ako Gil, b-baka maipit si baby" sabi niya para bitiwan na siya nito. Dahil kung tumagal pa siyang yakap yakap nito habang tinititigan siya nito ng ganito ay hindi niya maipapangakong hindi siya bumigay. At hindi iyon puwede dahil hindi na kanya ang binata...
Tila naman natauhan si Gil at nag aalalang dahang dahang bumitaw sa kanya at agad na hinaplos ang tiyan niya at dumukwang ito upang magpantay ang tingin nito sa tiyan niya.
"Oh I'm sorry baby, I forgot, I didn't mean to..naipit ba kita? Oh baby I'm sorry.."nakayukong sabi nito habang haplos haplos ang tiyan niya.
"H-hindi naman gaano" may bikig sa lalamunan niyang sabi. At habang hinahaplos nito ang tiyan niya at kinakausap ang baby nila ay naroon ang pagnanais niyang itaas ang kamay at haplusin ang buhok ng binata, pero pinigilan niya ang sarili. Hinayaan na lamang niya ito sa paghaplos sa tiyan niya at siya naman ay nagsisikip ang dibdib habang pinapanood ito.
Nang dumiretso ito ng tayo ay napaigtad siya ng tumingin itong muli sa mga mata niya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito. His voice very caring. Nagulat naman siya hindi lang sa tanong nito kundi pati sa tono ng boses nito. He's asking as if he cares..as if he cares not just for the baby but as if he cares for her as well..
"W-wala kasi akong gana, saka pauwi na naman ako."
"Wala kang gana? Are you sure hindi ka nagugutom? Hindi ba magugutom si baby? Baka mamaya umiiyak na siya sa tiyan mo kasi nagugutom na pala siya" alalang alalang sabi nito.
Gusto niyang mapangiti. May pagka OA din itong si Gil kung minsan.
"Ayos lang talaga ako, hindi ako nagugutom" nakangiting sabi niya at inabot niya ang bag niya para umuwi.
"Where are you going?" takang tanong naman nito.
"Uuwi na" sagot naman niya.
"You're not going anywhere Saree, because our six month agreement starts today" balewalang sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...