Chapter One

817 11 3
                                    

NANLULUMONG napaupo si Saree ng ibalita ng manager nila na magsasara na ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya dahil nabankrupt ito. At kahit inassure nito na may makukuha silang separation pay ay hindi iyon sapat para masuportahan ang pamilya niya. Paano na ang gamutan ng nanay niya at ang mga pamangkin niya at ang ate niya paano na sila?

At hindi ganoon kaagad kadali na makakuha ng trabaho dahil under graduate siya sa edad na beinte kuwatro. Sinuwerte lang siya na tinanggap sa opisinang iyon bilang office staff at kahit undergraduate siya ay tinanggap naman siya bilang all around office clerk, taga file, taga type ng mga letters, taga encode, tagatimpla ng kape, taga photocopy, and running errands.

Ngayon ay may limang taon na siyang nagtatrabaho doon. At kahit hindi ganoon kalaki ang suweldo ay okay na rin dahil regular naman siya at may permanenteng trabaho. Kahit paano ay naitatawid niya ang mga pangangailangan ng pamilya nila at ang health card niya sa company na sagot ng kumpanya ay napakalaking tulong sa pagpapagamot niya sa nanay niya. Pero lahat ng ito ngayon ay mawawa la na dahil simula bukas ay wala na silang trabaho.

Hanggang third year college lang sa kursong Business Management ang inabot niya. Noong unang taon nila sa Maynila ay nagbalak siyang mag enroll upang ipagpatuloy ang natitirang isang taon na lang sana para makagraduate siya. Ngunit maging ang naitabi niyang pera ay nagalaw niya. Ang buhay nila sa Maynila ay hindi naging madali.

Iniwan nila ang kapirasong lupain na kinatitirikan ng maliit nilang kubo sa San Simon. Ang limang milyon na ibinigay ni Gil sa kanya ay siyang ginamit niya sa pagpapagamot sa nanay niyang si Marina na may sakit sa puso. Halos naubos iyon sa mga utang na binayaran nila at naopera pa ang nanay niya. Nakabili siya ng maliit na bahay sa Maynila mula sa perang iyon din pero ngayon ay ipagbibili niya iyong muli. Kailangan niya ng pera para makapagsimulang muli. Babalik na lang sila ng San Simon. Ipapaayos na lang niya ang lumang kubo nila doon. Malamang ay gamitin niya ang pinagbentahan ng bahay sa pagtatayo ng kahit na maliit na negosyo. At kung susuwertehin ay doon na lang din siya maghahanap ng trabaho.

Five years ago ay umalis siya sa kanilang bayan, ang San Simon, kasama ng pamilya niya. Dala ang limang milyon na naging kapalit ng kahihiyan niya at ng pag ibig niya. Nang mga panahong iyon ay naniwala siyang tama ang ginawa niya, kahit ang kapalit ay ang pagkamuhi ng tanging lalaking minahal niya, Gil San Jose. Nag init ang sulok ng mga mata niya ng maalala ang binata.

Kapagkuwan ay hinamig niya ang sarili. Wala ng saysay na balikan pa niya iyon dahil hindi na niya maibabalik pang muli ang tiwala ng binata na sinira niya.


KAINITAN ng araw ng bumaba siya sa terminal ng bus sa San Simon. After five years ay muli siyang tumapak sa bayang sinilangan. Samut saring emosyon ang nag unahang umahon sa dibdib niya pain, guilt, and regret.

Alam niyang sinabi noon ni Gil na huwag na huwag na siyang magpapakita dito kahit kailan at nagawa naman niya sa loob ng limang taon. Pero napagod na yata siyang mamuhay sa Maynila at makipagsapalaran. At labis niyang pinagsisihan ang nagawa niya sa binata at alam niyang namumuhi ito sa kanya.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala siyang naging relasyon sa Maynila. Dahil sa puso niya ay si Gil lamang ang itinangi niya.

Pagbaba niya ay medyo nahilo siya. Anim na oras mula Maynila ay hindi na siya nag almusal kaninang umaga kaya siguro nahihilo siya ngayon, hindi niya alam kung sa gutom o sa init. Noong isang linggo ay pinauna na niyang umuwi ang nanay niya at ate Wendy niya kasama ng tatlo niyang pamangkin. Inayos pa kasi nya ang pagbebenta ng bahay sa Maynila at ang nakuhang separation pay mula sa kumpanya.

Naka Tshirt ng asul na medyo kupas na at maging ang pantalon niya ay kupas na din at ang rubber shoes niya ay luma na rin, dati ay puti iyon ngayon ay aakalain mong kulay gray na iyon sa kalumaan. Itinali niya ang mahabang buhok at nakaback bag na maliit at hila hila niya ay isang malaking maleta na luma na din. She looked younger sa ayos niya she could be mistaken for a teenager. Polbo lang ang inapply niya sa mukha kanina sa restroom at baby pink lipstick para magkakulay ang mga labi niyang namumutla na siguro sa gutom o sa tagal ng biyahe.

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon