PINAHID niya ang mga luhang namalisbis sa pisngi niya sa alaalang iyon ng limang taong nagdaan. Walang kapatawaran ang nagawa niya sa kasintahan. At hanggang ngayon ay nahihiya siyang humarap kay Gil pagkatapos ng ginawa niya. Ang tapang pa niya ng tignan niya ng masama ang dalawang ginang noon sa CR na nagpaparinig sa kanya na pera lang ang habol niya sa binata.
Pero sa ginawa niya ay pinatotohanan lang niya ang sinabi ng mga ito. Na pera lang ang habol niya sa kasintahan.
Tumayo siya mula sa kama at may kinuha sa loob ng munting aparador niya. Ang kuwintas na bigay ni Gil noong unang buwang anibersaryo ng relasyon nila.
Iyon daw ang simbolo ng pagmamahalan nila. Muling nangilid ang mga luha niya, wala na siyang lakas ng loob na isuot pa iyon, dahil ng magpabayad siya ng limang milyon dito ay sinira na niya ang simbolong iyon. Muling umagos ang mga luha niya.
Nang matapos umiyak ay hinamig niya ang sarili. Marami pa siyang dapat harapin. Kung paano silang magsisimulang muli sa pagbabalik nila sa kanilang lugar.
Nang mga sumunod na araw ay naging abala siya sa pagpapagawa ng munting kubo nila. Sa natirang pera sa pinagbentahan ng bahay na nabili niya sa Maynila noon, ay napagawa niya ang kubo nila, pinagiba niya iyonat napalitan iyon ng hindi kalahikang bungalow style na bahay.
Naienroll niya rin sa malapit na eskuwelahan ang tatlong pamangkin niyang babae na anak ng ate niya. At ang nanay niya ay kinuhanan niya ng health card para sa tuwing may check up ito ay hindi siya mamroblema sa bayarin, iyon na lamang ang huhulugan niya sa kikitain niya sa maliit na negosyong naisip niyang itayo.
Laking pasasalamat niya sa Diyos at gumaling ang nanay niya simula ng maoperahan ito at ngayon ay nagmemaintenance na lamang ng gamot. Kaya hindi siya puwedeng magpakampante na hindi magtrabaho.
Kumuha siya ng puwesto sa bayan at nagtayo ng tapsilogan sa terminal ng bus. Pinangalanan niya iyong Saree's Tapsilog. Mayroon iyong anim na lamesa na tig apat ang upuan at meron din silang for take out. Iyon ang naisip niyang itayong negosyo at ngayon ay may apat na buwan na iyong bukas. Maganda ang kita dahil central terminal iyon sa bayan at marami laging tao. Kumuha siya ng tagaluto si Melai at isang server, si Debbie at siya ang nasa kaha at kapag wala sa kaha ay nagsiserve din siya. Kapag day off ni Melai ay siya ang nagluluto at nagkakaha din. Ganundin kapag day off ni Debbie ay siya din ang nagsiserve at nagkakaha. Pagod siya pero hindi pa niya kumuha ng additional na tao dahil nag uumpisa pa lang sila. Kapag day off niya ay ang ate niya ang pumapalit at ang nanay niya ang nagbabantay sa tatlo niyang pamangkin.
"Ate Saree uwi na po kami" sabay na sabi ng staff niyang si Melai at Debbie.
"Sige ingat kayo" nakangiting kaway niya sa mga ito. Alas sais ng gabi sila nagsasara. Hanggang alas siyete lang kasi ang biyahe sa terminal kaya ganoon. Matapos ayusin ang kaha ay nagsara na rin siya. Naglakad sa may parkingan kung saan nakaparada ang nabili niyang scooter. Kinailangan niyang bumili nun para may magamit siya sa pagpasok sa tapsilogan, mahirap mag commute sa kanila dahil punuan lagi ang mga jeep.
Napabuntunghininga siya pag upo niya sa scooter. Sa loob ng apat na buwan ay iyon na ang naging routine niya. At sa loob din ng mga araw na iyon ay hindi pa niya nakita ulit si Gil. Kumusta na kaya ito? Nagkalambong ng lungkot ang mga mata niya. Kahit anong pigil niya ay namimiss niya ito. At umaasa siyang magkita sila nito ulit kahit na galit ito sa kanya. Saree, tigilan mo yan! Wala kang karapatan na mahalin pa siya dahil sinira mo ang tiwala niya!
Napailing siya at nagsuot na ng helmet at pinaandar na ang scooter niya. At para mawala ang lungkot niya ay nagsuot siya ng earphones at pinatugtog ang playlist niya sa cellphone na nasa loob ng body bag niya. Mahina nga lang baka kasi maaksidente siya at hindi marinig kung may ibang sasakyan na bumubusina. At tama lang ang bilis ng takbo niya. Marami na ring nagsisiuwian, mga jeep, tricycle at pribadong sasakyan na nilalampasan siya. Okay lang, hindi naman siya nagmamadali.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...