KAHIT mag uumaga na siya nakatulog ay maaga pa rin siyang nagising. Wala pang alas sais ay gising na siya. Paano kasi'y kailangan niyang ilaundry at idry clean ang suot niyang damit at mga underwears dahil wala siyang susuutin mamaya pagpunta nila ni Gil sa kanila. Wala naman kasi siyang naiwang ibang damit dito. At hind rin siya puwedeng manghiram kay Nana Lucing at hindi na iyon kakasya dahil malaki na ang tiyan niya.
Hinubad niya ang lahat ng suot at nakatapi ng tuwalya na bumaba at pumunta sa laundry area sa baba para isalang sa washing machine ang damit niya at underwears. Hindi na siya nag alangan na maglalakad ng nakatapi lang ng tuwalya dahil alam niya ay mamaya pa magigising si Gil dahil hindi naman ito papasok sa opisina ngayon. Si Nana Lucing naman ay usually mga six thirty na bumabangon.
Habang nakasalang ang mga damit niya sa washing machine ay nagpasya na siyang maligo. Pagkapaligo ay nakatapi pa rin ng tuwalya na lumabas siya ng silid niya, ni hindi pa siya nagsusuklay ng buhok. Babalikan niya ang damit at mga underwears niya at hihintayin na niyang matuyo sa dryer.
Nang matuyo ang mga iyon ng wala pang sampung minuto ay umakyat siyang muli para magbihis. Una niyang madadaanan ang silid ni Gil bago ang silid na gamit niya kaya naman nakita siya nito dahil eksaktong padaan siya doon ay palabas naman ito ng silid nito. Mukha itong antok na antok at naghihikab pa pero ng makita siya ay nagsalubong ang kilay na tila hindi nagustuhan ang nakita. Hinagod siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa at pabalik.
Siya naman ay natulos sa kinatatayuan. Ang isang kamay niya ay hawak ang dalang damit at underwears at ang isa naman ay nailagay niya bigla sa hugpungan ng tuwalya sa may dibdib niya. Paano kasi'y hindi ganoon kalaki ang tuwalya at maiksi pa iyon, at dahil malaki ang tiyan niya, nakabanat ang tuwalya at sakto lang iyon sa hugpungan, na kung mamali siya ng galaw ay baka humulagpos iyon at napakaiksi din niyon at kita ang buong hita niya.
Pero sa kabila ng predicament niya ay nagawa din niyang hagurin ng tingin ang binata. Magulo ang buhok nito at suot pa rin nito ang pantalong maong kagabi pero ang nakapagpabuhay ng medyo inaantok niyang diwa ay dahil wala itong suot na pang itaas at nakabalandra sa mga mata niya ngayon ang matipunong dibdib at flat na tiyan at ang abs nito na hindi niya malimot limot.
Ipinilig niya ang ulo, kay aga namang papandesal niyan! Ni wala pa nga siyang kape!
"O bakit ka nakatanga diyan? Saree, gusto mo bang sipunin? Bakit ka naglalalakad diyan na nakaganyan lang? At yang buhok mo basa basa pa at nakapaa ka lang? Paano kung madulas ka at mapaano pa si baby? Nag iisip ka ba?" iritableng sabi nito.
Bigla siyang nainis sa tono at reaksyon nito. Kung makapagsalita ito ay parang hindi nito nagustuhan na makita siyang nakatapi lang siya ng tuwalya. Dahil ba sa malaki na ang tiyan niya ay hindi na siya sexy at maganda sa paningin nito? Hindi tulad ng girlfriend nito na napakasexy at napakaganda, jusko ni wala pa yatang beinte kuwatro ang baywang ng babaeng iyon!
"Ipagpaumanhin mo kung hindi mo nagustuhan ang iyong nakita, ano dahil ba sa mukha akong butete sa laki ng tiyan ko at hindi na ako sexy sa paningin mo kaya ayaw mong makitang nakaganito ako?" ang naiinis niyang sabi.
Napatingala sa kisame si Gil na tila pinipigil makunsumi.
"Wala akong sinabing ganyan, ang sinasabi ko lang ay baka ka magkasakit dahil hindi ka nakadamit na naglalakad diyan at naka paa ka pa, paano kung madulas ka?" tiim bagang na sabi ni Gil.
"Hindi yun eh, talagang hindi mo ako gustong makitang ganito kasi mukha akong butete! Grabe ka, porke ba sobrang sexy at modelo ang girlfriend mo kaya hindi mo maatim makita ang ganitong hitsura ko?" magkahalong galit, selos at pagdaramdam niyang sabi.
Naikuyom ni Gil ang mga kamao. Mahahighblood yata siya kay Saree. Kung anu ano ang sinasabi, concern lang naman siya dito at baka ito magkasakit o madulas. At sabi nito ay hindi niya ito gustong makita ng ganito ang hitsura, bagong paligo at nakatapi lang ng tuwalya. Hindi ba nito alam na agad ang reaksyon ng katawan niya mula pa kaninang nag uusap sila? Naninikip ang pantalon niya kanina pa, fresh from the shower, she smells of soap, roses and lemons, her dishevelled hair ay basa pa, at kanina pa niya gustuhing paglandasin ang mga kamay niya sa buhok nito pababa sa makinis nitong leeg at mapuputi nitong hita at tanggalin ang tuwalya nito sa pagkakahugpong at takpan ng mga labi niya ang mga labi nito upang hindi na ito magsalita pa. Does she even know that she looks sexy as hell right now? At anong butete ang pinagsasabi nito? She is the sexiest pregnant woman he has ever seen!
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...