Chapter Eighteen

259 4 1
                                    

NAGISING siya na parang may gumalaw sa tabi niya. At muntik na siyang mapasinghap ng malakas sa gulat ng makita si Gil na nakaupo sa gilid ng kama at hinahaplos ang tiyan niya habang nagsasalita. Mabuti na lang at hindi siya nito napansin na nagising siya kaya ipinikit niyang muli ang mga mata para isipin nitong "natutulog" pa siya.

Anong oras na kaya, hindi niya alam kung umaga na ba o gabi pa din, basta hindi kaagad siya nakatulog kagabi sa kakahintay na maggoodnight kiss si Gil sa baby nila.

"Baby, sorry hindi ako makatulog hanggat hindi ako nakakapag goodnight kiss sayo, well it's already one am but gabi pa din naman.." napakunot noo siya kahit nakapikit, so gabi pa pala, ibig sabihin, kakatulog lang din niya, mga twelve na siguro siya nakatulog.

"Im sorry baby at ngayon lang kita pinuntahan, dapat kanina pa, hinintay ko munang makatulog ang mommy mo kasi nag away kami.. yes I'm mad at her right now, but don't mind us baby, you know that I love you and of course mommy loves you too,pero hindi kita matiis baby ko.. but Im here now baby, I'm sorry.. I love you baby, goodnight.." masuyo nitong sabi at hinalikan ng ilang beses ang tiyan niya. Lahat ng pagdaramdam at hinanakit niya kanina ay tila binubura ng halik na iyon ng binata sa baby nila.

Jusko ang hirap palang magtulug tulugan, pigil niya ang hininga na huwag nitong mahalatang gising siya. At ang tibok ng puso niya ay napakalakas at natatakot siyang baka marinig iyon ni Gil. Sabi na eh, sabi ko sayo baby, hindi ka matitiis ni daddy, lablab ka talaga niya, hindi siya makakatulog hanggat hindi siya naggugudnite kiss sayo baby.

And he's mad at me. Bakit? Dahil ba sa ayaw niyang magpakasal dito? Hindi ba dapat ay matuwa pa ito na hindi niya ito inoobligang pakasalan siya, ayaw niyang guluhin ang kasal nito sa babaeng mahal nito. At siya, pakakasalan lang nito dahil buntis siya, at hindi niya kaya iyon. Pero sinabi niya kanina na mahal ka niya. Gusto niyang paniwalaan iyon, pero nakita na niya kung gaano nito kamahal ang kasintahan nito at mas bagay sila ni Stacy...ang bagong sweetheart nito. Pero kaya mo bang walang Gil sa buhay mo? Ang sagot, ay hindi ko pa alam, pero dahil sa anak ko, para sa anak ko, kakayanin ko.

Nang maramdaman niyang gumalaw na ito at naglakad ng palabas ng pinto ay saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Hindi muna siya agad nagmulat ng mata at hanggang hindi niya naririnig na isara nito ang pinto. Pero bago muna nito iyon isinara ay may sinabi pa ito.

"And you my other baby..have a goodnight sleep too baby..I'm sorry for making you cry.." he said in a strained voice then closed the door.

Her heart constricted. She was his other baby.. He called her baby again! And he's sorry for making her cry! Akala niya ay kay baby lang ito mag gugoodnite. Agad na nag init ang sulok ng mga mata niya.

Oh Gil..dahil ba sa ang alam mo ay tulog ako kaya mo sinabi iyan? Ibig sabihin, iyan talaga ang nilalaman ng puso mo! That I am your baby too.. and...that you are sorry for making me cry..puwede ko na bang panghawakan iyan na totoo ang sinasabi mo kaninang mahal mo ako kaya mo ako pakakasalan... sana'y ulitin mong sabihin na mahal mo ako at kapag sinabi mo ulit ay maniniwala na ako!


KINAUMAGAHAN ay nagtaka si Nana Lucing kung bakit maaga siyang nagising.

"Saree, wala pang alas siyete, bakit ang aga mong nagising?" nakangiting sabi ni Nana Lucing habang inaayos sa mesa ang mga nilutong almusal na fried garlic rice, pritong itlog, hotdog, at bacon, meron ding sliced bread and brewed coffee.

"Oo nga Nana Lucing, ewan ko po ba, medyo masigla ang pakiramdam ko ngayon" iyon ay dahil sa nangyari kagabi. Pagkalabas ng binata kagabi ng silid niya ay nakatulog siya ng maayos at ngayon nga ay masigla ang gising niya. At iyon ay dahil kay Gil. Dahil sa ginawa at sinabi nito kagabi ay nagkaroon siya ng pag asa na baka nga totoo ang sinasabi nito na mahal siya nito kaya siya pakakasalan.

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon