"SO dito mo pala idinaos ang birthday ng baby natin Saree?" kalmadong tanong ng binata, but she could see his jaws clenching kaya alam niyang galit ito.
"Baby ninyo? I-ikaw ang daddy ni baby GJ?" shock na tanong ni Zed na pinaglipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Gil na ngayon ay madilim ang mukhang nakatunghay sa kanya, pagkatapos ng mapatingin kay baby GJ ay dagling lumambot ang ekspresyon. Pero ng ibalik nito ang tingin sa kanya ay muling bumalik ang dilim sa mukha nito.
At siya naman ay napatanga na lang dito walang maapuhap sabihin. For four months now ay tanaw lang kung makita niya ito sa bintana nila tuwing susunduin nito ang anak nila. Ngayon lang niya ito nakita ng malapitan, at tila may nagkakarerahan sa puso niya sa lakas at bilis ng tibok niyon. And all she could do was to stare at his handsome face na hindi niya nagawang kalimutan sa mga nakalipas na buwan.
Tila wala namang pumansin sa tanong ni Zed, basta lang sila nakatingin sa isa't isa na tila walang unang gustong magsalita. His eyes are mad, while hers are afraid.
Sa wakas ay si Gil ang unang nagsalita pero tila gusto niyang matumba sa insulto sa mga sinabi nito.
"Zed, I never knew na ang tinutukoy mo palang sekretarya ay ang ex ko na naanakan ko" he said gritting his teeth.
Agad namang nakabawi si Zed sa pagkagulat sa nalaman.
"Bro, this is quite a surprise to me too! What a small world really it is! But hey, it doesn't matter to me, tanggap ko si Saree at ang baby niya, di ba sweetheart?" inakbayan siya ni Zed na nagpabalik sa kanya sa huwisyo. Nagtatakang napatingin siya kay Zed. Anong sinasabi nito? At bakit siya nito inaakbayan at tinawag pang sweetheart?
Bahagya siyang napaigtad ng bumulong ito sa tainga niya, for her ears only. "Sakyan mo na lang ang sinasabi ko, he's insulting you and I won't allow it."
Si Gil naman ay lalong nagdilim ang mukha ng makitang bumulong si Zed kay Saree. Mukha kasing hinahalikan nito si Saree habang bumubulong ng kung ano, na hindi naman niya marinig sa sobrang hina, is he whispering sweet nothings to her? At ang kamay nitong nakaakbay kay Saree ay kanina pa niya gustong baklasin at pilipitin hanggang sa magkalasog lasog ang mga buto nito.
Damn you Zed! I could kill you for this! At anong itinawag nito kay Saree? Sweetheart? He felt his blood reaching it's boiling point. Matalik sila nitong magkaibigan at matagal ng business partners pero mapapatay yata niya ito sa mga sandaling iyon! At ito namang si Saree kung makasalubong kay Zed ay tila excited na excited, may patakbo takbo pa habang karga si baby GJ! Samantalang siya kapag sinusundo at inihahatid ang anak ay ni hindi siya pinapakiharapan nito!
Naikuyom niya ang mga kamao sa matinding pagpipigil ng galit niya at ng labis na selos.
"Are you two dating? Hindi ko alam na tagasalo ka pala ng pinagsawaan ko" he said ruthlessly. His eyes never leaving hers.
Siya naman ay namutla sa sinabi nito. His words like blades to her already wounded heart.
Mas lalo pa siyang hinapit ni Zed palapit sa katawan nito, napayakap naman siya sa baywang ni Zed sa takot niya sa galit na nakikita niya sa mga mata ni Gil.
"I don't mind bro, I couldn't resist a beauty like her, I fell really hard" Zed was talking lightly na para bang walang tensiyong namamagitan sa pagitan nilang tatlo. And this is what she likes about Zed, kaya nitong pagaanin ang kahit na napakabigat na sitwasyon.
Samantalang si Gil ay tila leon na nakawala sa hawla at pakiramdam niya anumang sandali ay susugurin nito si Zed. At sa takot niya ay mas lalo pa siyang napasiksik sa tabi ni Zed.
"Pity you, Zed, there's nothing to like about her once you get to know her, she's expert in playing people's feelings, beware, one moment she'll tell you she loves you, the next thing you'll know, she'll tell you that she don't love you, and why not, I am not surprised at all na ikaw ang pinili niyang maging lover, noon pa man ay mahilig na yan sa mayayaman, I'm a victim I should know, well baka nga naman higit pa sa naibigay kong limang milyon ang kaya mong ibigay sa kanya, though I might say she's very good in bed..right baby?"nakangising sabi nito na sa kanya lang nakatingin.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...