KARGA karga niya si baby GJ para paarawan sa hardin ng matanaw niya ang paparating na kotse ni Gil. Napahinto siya at hinintay itong makababa ng sasakyan. Napatitig siya dito pero hindi nito sinalubong ang tingin niya. His face dark, he looks as if he hadn't sleep well at nakakaamoy siya ng alak mula dito. Naglasing ba ito kagabi? At saan kaya ito natulog kagabi? Malamang kay Stacy, e silang dalawa ang magkasama at muli ang pamilyar na kirot sa puso niya.
Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Stacy kahapon? Sigurado siya, base sa sinabi ni Stacy kahapon na kamukha ng daddy nito ang baby niya ay alam niyang may alam na ito kung sino ang daddy ng baby niya. At iyon siguro ang pinag awayan ng dalawa kaya siguro ito naglasing.
Nang makalapit sa kanya ay hinalikan lang nito si baby GJ sa pisngi at pagkatapos ay nilampasan na siya. Ni hindi siya sinulyapan. Bakit bigla na naman itong naging malamig sa kanya? Akala niya ay kahit paano ay bumabalik na ang dating pakikitungo nito kanya, he is even sweet and caring. At wala bang ibig sabihin ang paghalik nito sa kanya noong nasa hardin sila at manganganak na siya? At ang mumunting mga gestures nito ng pag aasikaso, lahat ba ay walang kahulugan dito?
Lumipas pa ang mga araw na malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Pero kahit ganoon ito, pagdating kay baby ay hindi ito nagbago, salitan pa rin sila sa pag aalaga. At maasikaso at malambing ito kay baby GJ. Sa kanya lang hindi.
Noong una ay kinakaya pa niya, pero nitong huli ay labis na siyang nasasaktan. Wala na siyang ginawa sa gabi kundi umiyak. Mag dadalawang linggo ng ganoon ang binata. At lalo pang nakakadagdag sa takot niya ay dahil alam niyang ngayong buwan na ito ikakasal, to be exact ay dalawang linggo mula ngayon. Hindi kasi sinasadyang nakita niya sa study room ni Gil noong isang araw ang wedding invitation ng mga ito. At tila sinaksak ang puso niya ng makita ang larawan nito at ni Stacy sa gitna ng invitation, they looked like a happy couple. Talagang tuloy na tuloy na ang kasal ng mga ito.
Kaya naman ng araw na iyon ay isang desisyon na ang nabuo niya. Hindi na niya kayang patagalin pa na nandito pa siya at patuloy na nasasaktan sa pakikitungo ng binata sa kanya. At ikakasal na ito at tapos na rin ang six months na usapan nilang panananitili sa bahay nito kaya siguro ay kailangan na niyang umalis. Hindi na niya hihintaying paalisin pa siya nito kapag ikinasal na ito, mas hindi niya kaya yung ganoon.
At ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan na niyang umalis ay dahil sa nangyari kahapon. Nagulat siya ng makatanggap siya ng tawag mula sa isang unregistered number at ng sagutin niya iyon ay lalo siyang nagulat dahil iyon ay walang iba kundi si Stacy. Gusto nitong magkita sila at mag usap. At ng dumating siya sa isang café sa bayan kung saan sila magkikita ay inihanda na niya ang sarili sa mangyayari.
Baka sabunutan o sampalin siya nito, kaya nagready na siya. Hindi niya maipapangakong hindi niya ipagtatanggol ang sarili kapag sinabunutan o sinampal siya nito. Oo ikakasal ito kay Gil pero hindi niya kasalanan na nabuntis siya nito at siya ang naunang minahal ng binata kaya hindi siya makakapayag kung ganoon ang gagawin nito sa kanya. Pero ni isa doon ay walang nangyari. Ang nakita niyang Stacy ay tila nalugi. Mukha itong pinagsakluban ng langit. At unang bigkas pa lamang ng salita nito ay tumulo na ang mga luha nito.
Napaigtad siya ng pag upo niya ay kaagad nitong hinawakan ang kamay niya. Gusto sana niyang hilahin ang kamay pero hindi niya magawa sa pagdurusang kitang kita sa mukha nito.
"Saree, I don't know how and where to start..but I would like to tell you hindi ko intensiyong saktan ka, I know now na ikaw ang unang minahal ni Gil and that he is the father of your baby..but answer me honestly, do you still love him? If you still love him, I will set him free.. because he wanted to back out from our wedding dahil gusto ka niyang pakasalan but if not.. I will marry him no matter what, because I love him, he is my everything.." ani Stacy habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Love Unwanted
RomanceMahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero it...