Chapter Ten

279 6 0
                                    

"ANONG ginagawa dito niyan? E ang laki ng bahay niyan" inginuso ni Art kay Grace si Gil na tumutungga ng alak sa minibar ng bahay niya.

Naiiling na sinundan ng tingin ni Grace ang tinitingnan ng fiancé. Ginabi ng dumating ang kasintahan niyang si Art at nagpasya ng doon matulog sa bahay niya.

"Hayaan mo na dear, ako lang ang matutuluyan niyan kapag naglalayas iyan, brokenhearted na naman yata" sagot niya sa tanong ng fiancé.

Dumating kanina ang kaibigan na mainit ang ulo at magmula pa kanina ay wala ng ginawa kundi lunurin ang sarili sa alak. Ni hindi niya makausap ng maayos.

Ganito rin ito five years ago, may kutob siya kung ano o sino ang dahilan ng ipinagkakaganito ngayon. Si Saree lang naman ang may ganitong epekto sa binata. Gusto niyang magalit kay Saree sa ginawa nito sa kaibigan niya noon. She made him into a stoned heart man. Ang laki ng ipinagbago ni Gil. Hindi na ito ang dating masayahin, palangiting kaibigan na nakilala niya. Hindi niya alam ang nangyari kung bakit nagkahiwalay ang dalawa noon. Ang alam lang niya Gil was devastated and destroyed ng magkahiwalay ito at si Saree.

At kahit anong kausap niya dito noon ay hindi ito nagkuwento ng dahilan ng paghihiwalay nito at ni Saree. Nirespeto na lang niya ang gusto ng kaibigan. Tulad sa isang nakababatang kapatid ang turing niya sa binata. Matanda siya dito ng limang taon. Magkaibigan ang pamilya nila.

Naalala pa nga niya na dati noon ay sinabi sa kanya ni Gil na may crush ito sa kanya. Alam niyang crush lang talaga iyon dahil after nitong sabihin iyon sa kanya at sinabi niyang sa isang kapatid ang turing niya dito ay tinanggap iyon ng maluwag ng binata at nanligaw na lang ito noon sa iba.

And through the years ay mas lalo pang tumibay ang friendship nila. At ikakasal na siya this month sa fiancé niyang si Art.

At gusto niyang maging maligaya na rin ang kaibigan niya. Limang taon na itong miserable. At nasasaktan siya para sa kaibigan, gusto niyang bumalik ang dating Gil. Alam niyang bumalik si Saree. Nakita niya ito noong isang araw sa terminal. May puwesto ito ng tapsilogan sa bayan. At sana sa pagbabalik na ito ni Saree ay magkaayos na ito at si Gil, para maging masaya na din ang kaibigan niya.


"GET UP!" naaalimpungatan siyang nagising sa yugyog na iyon. Mula sa pagkakadapa sa sofa sa salas ay napaupo siya sapo ang ulo. Sumasakit ang ulo niya, paano'y magdamag siyang naglasing.

Sa bahay ni Grace siya tumuloy kagabi, galing siya sa bar sa bayan at naglasing siya na itinuloy naman niya sa minibar ng bahay ni Grace. Ayaw niyang umuwi ng hacienda at makita si Saree.

Inabutan siya ng kape ni Grace na umuusok pa.

"Thanks" usal niya at hinigop iyon at kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam niya.

"Where's Art?" luminga siya habang hinihigop ang kape.

"He went for a jog" sagot naman ni Grace na umupo sa tabi niya at mataman siyang tinitigan.

"What is it this time Gil? Si Saree ba?" concern na tanong niya sa kaibigan.

"Ayokong pag usapan" umiwas siya ng tingin.

"Look Gil, sige kung ayaw mong pag usapan bahala ka. But you have to stop doing this to yourself. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Saree noon pero alam ko na kaya ka umiinom ulit ngayon ay dahil sa kanya. I heard na nandito na ulit si Saree. If you still love her just tell her" payo niya dito.

"I don't love her anymore! I hate her!" mataas ang boses niyang sabi.

"Okay calm down, if you say so. O e bakit ka naglasing kung hindi mo na siya mahal at kinamumuhian mo siya?

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon