Chapter Six

251 3 0
                                    

DAIG pa niya ang sinampal sa katotohanang naghuhumiyaw sa harapan niya! Ang boyfriend niya ay kasalukuyang nagsasalita sa harap ngayon ng lahat ng empleyado ng supermarket na pinagtatrabahuhan niya bilang ang may ari at presidente ng SJ Supermarket! At wala siyang maintindihan ni isa sa mga sinasabi nito.

Pinisil ni Lyn sa ilalim ng mesa ang mga palad niyang nanlalamig. Ito lang ang may alam na boyfriend niya si Gil. At mukhang silang dalawa lang ang hindi nakakaalam na ito ang boss nila. Halata sa mukha nila ang labis na pagkagulat. Lalo na siya na kanina pa pinagpapawisan ng malamig at namumutla na.

"O bakit ganyan ang mga hitsura ninyong dalawa? Grabe kayo girls ha, natulala na kayo sa kaguwapuhan ni Boss" nangangantiyaw na komento ni Benjie na hindi napansin ang pagkatigagal niya. Hindi naman kasi pa nakilala ni Benjie ang boyfriend niya kaya wala itong alam.

Tumayo siya at nag excuse na pupunta lang ng comfort room. Hinayaan naman siya ni Lyn. Dali dali siyang naglakad, baka makita pa ng mga kasama niya na naiiyak na siya. Nang mapahinto siya, saan ba ang banyo sa napakalaking hacienda na ito? Malamang ay sa loob ng bahay.

Nang may makasalubong siyang siguro ay kasambahay doon ay itinanong niya kung saan ang female comfort room. Itinuro naman nito at pagdating doon ay agad siyang nagkulong sa dulong cubicle at pinalaya ang mga luhang pinigilan niyang pumatak kanina. Tinakpan niya ng kamay ang bibig habang umiiyak upang walang hikbing maririnig mula sa kanya, baka mamaya ay may pumasok at marinig pa siya.

Ang puso niya ay tila pinipiga sa sakit. Bakit naglihim sa kanya ang kasintahan? Anong kasalanan niya para lokohin siya nito ng ganito? Akala niya ay mayaman na ito dahil ang pagkakaalam niya ay supplier nila ito pero hindi niya alam na ganoon pala ito kayaman at ito pala ang boss nila!

Kaya pala hindi nito masabi sabi sa kanya ang apelyido nito! Gil San.. akala niya ay Gil San ang pangalan nito! Yun pala ay Gil San Jose! At kaya pala dinala siya nito dati sa opisina ng presidente dahil ito pala ang may ari! Kung anu ano pa ang sinabi niya dito noong una silang magkakilala noong mabangga niya ito! Sinabi pa niya na isusumbong niya ito sa may ari kapag hindi siya pinakawalan, yun pala ay ito pala ang may ari!

Napakatanga niya at wala man lang siyang nahalata. Anong balak nito sa kanya? Ang lokohin at paikutin sa palad nito? Totoo ba ang pagmamahal nito sa kanya? Napailing siya. Malamang ay hindi, dahil kung mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito lolokohin. Ano ang balak nito sa kanya? Ang patuloy na lokohin habang siya ay hulog na hulog na dito? Dahil ba sa mahirap lang siya kaya ayaw nitong malaman niya na nakapayaman pala nito at ito pa ang boss nila?

Kaya pala isang linggo siya nitong hindi napuntahan. Busy sa pag aasikaso ng business at ng anniversary ng supermarket! At ng yayain niya ito kahapon sa party na ito, bakit hindi nito ipinagtapat sa kanya kung talagang mahal siya nito? At mahigit isang buwan na silang magkasintahan ay hindi nito nagawang ipagtapat sa kanya ang katotohanan!

Paano itong nagawa sa kanya ng binata? He was her first love! And her first heartache...at sa sobrang sakit ay hindi niya alam kung magagamot pa ba iyon..

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Pero siniguro muna niyang matatag at kalmado na siya paglabas niya ng comfort room. Nagretouch din siya. Hindi niya pagmumukhaing kawawa ang sarili sa harap nito!

Taas noong naglakad siya pabalik sa table nila. Napatingin naman si Lyn sa kanya. Binulungan siya nito pagkaupo niya.

"Okay ka lang ba fren? Gusto mo uwi na tayo?" ang nag aalalang sabi nito.

"Ayos lang ako, at saka maaga pa para umuwi. At hindi ba party ito? Kaya dapat magpakasaya tayo!" ang walang inhibisyong sabi niya at kapagkuwan ay kumuha ng alcoholic drinks na dala ng mga waiters na umiikot para sa mga gustong uminom.

The Love UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon