Part 38

470 10 0
                                    

Lisa PoV

"Sya ba ang dahilan?!" Sigaw ni Kai sabay turo sa akin.

"Oo! Bakit!? Ikaw ang nangloko ka Kai! Sa tingin mo babalikan kita?" Pagsagot ni Jennie.

"Oh sige tanggap ko na. Di ka babalik sakin? Fine." Pagsuko ni Kai.

"Pero hindi padin tayo tapos." Galit nyang sabi sa akin.

Agad nyang kinuha ang baril nya mula sa bulsa at kinasa nya ito at tinuro sa akin.

"Wag Kai!" Sigaw ni Jennie.

"Wag? Edi sayo nalang. Di karin naman mapapasakin, pero mamaya nalang. Gusto kong pahirapan tong posteng ito" He mocked. And he put his gun on his pocket.

"No guns okay" He said and chuckled.

He hold my collar and gripped it tightly

Kinuha nya pa yung salamin ko at tinapon sa sahig at tinapakan.

"F*ck I have poor eyesight when it comes to darkness" I thought to myself.

"Stop Kai!" Pagmamakaawa ni Jennie. Pero tinignan ko lang sya ng malungkot.

Agad akong nanlaban kahit ako' nahihirapan dahil sa mga suntok na ibinigay nila sakin.

Tinanggal ko ang pag kakahawak nya sa jacket ko at tinulak sya ng malakas at natumba sya.

Lumapit ako at lumuhod, hinawakan ko narin ng mahigpit ang damit nya nagawa ko pang iuntog ang ulo nya. At sinunggaban ng maraming suntok sa mukha.

"Sino sa atin ang mahina." Galit kong sabi at tumayo. Sinipa ko pa ang tyan nya at yung gitna ng hita nya.

Nagsusuka na sya ng dugo at hinawakan nya ren ang pribadong parte nya.

"Anlakas mo palang poste ka" Sabi nya habang dumudura ng dugo at sinusubukan nya pang tumayo.

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at di na ako makawala.

"Andaya!" Sigaw ko.

"Sabi ko naman sa sarili ko, hindi ako susuko. Papatayin kita sa harap ng taong mahal mo" At lumingon sya kay Jennie na umiiyak na ng malakas.

"Tama na Kai, please." Pagmamakaawa nya ulit.

"Ganon mo ba sya kamahal? Akala ko ba ako lang?"

"Dati yun hindi ngayon!" Sigaw nya at hinawakan nya ang mukha ko ng mahigpit.

"Sya na ba talaga? Ha!" Sigaw nya at sinuntok ang tyan ko.

"Eto? Mahal mo?" Pagsuntok sa panga ko.

"Eh wala na nga syang magawa!" At sinipa nya ako ng malakas sa tyan at nabitawan ako ng lalakeng nagngangalang Tao. At nahulog ako sa sahig ng pagkalakas-lakas.

"Ano suko kana ba?" Tanong nya saken pero hindi ako sumagot.

Sinubukan kong tumayo pero di ko na kaya. Duguan na kaming dalawa dahil sa pagbubugbugan namin.

"Kita mo Ruby Jane! Hindi na sya makatayo oh!" Sigaw nya kay Jennie.

"Kahit na mamatay ako hindi kanya mamahalin ulit!" Galit na sabi ko at tinignan nya ako ng pagkasama-sama.

"Edi mamatay ka. Sinong may pake? Wala na akong pakealam kung di nya ako mahal. Papatayin ko nalang sya, kayong dalawa. Kung pwede lang na magsama pa tayo sa impyerno." He said.

Akmang kukuhain ko na sana ang baril ko ng sinipa nya ito.

Wala na, wala na akong laban. Pero kakayanin ko sa huling hininga, ililigtas ko ang taong mahal ko.

𝚃𝚑𝚎 𝙲𝚛𝚘𝚠𝚗𝚎𝚍 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜 (JL/LR)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon