Part 40

496 8 0
                                    

Irene PoV

Andito na ako sa ICU ako ang nagbabantay sa kanya ngayon. Nabalitaan ko na din yung kondisyon nya, di mawala-wala ang pagaalala ko.

"Monkey please wake up now. I really miss your corny joke, our bickering.." I said to her and I cried.

Napatingin ako sa pinto at nagpakita si Yeri.

"Ah Y-Yeri bat nandito ka?" Kinakabahan kong tanong.

"Gusto ko lang po bisitahin si Oppa"

Andito na sya ngayon sa tabi ko.

"Grey Oppa gising ka na dyan, asan na yung knight in shining armor ko kapag nawala ka? Para na kitang kapatid Oppa, sana gumising kana" Yeri said.

Andito lang ako sa tabi nya at tahimik ako. Hindi ko alam kung magpapaliwanag na ba ako tungkol sa aming dalawa o hindi.

"Ikaw Ate, bat ka nandito?" Tanong nya at napatingin ako sa kanya.

"A-ahm Kase gusto ko sya bisitahin"

"Ate okay lang naiintindihan kita, kahit hindi mo sabihin sa akin o sa amin" Sabi nya at napatingin akl sa kanya ng diretso.

"A-alam mo? May alam ka?" Tanong ko.

"Meron pero hindi ko alam ang buong pangyayari at kung pano yon nangyari." Agad nyang sagot.

"Pasensya na kung nagtago kami ng relasyon."

"Okay lang Ate, hindi mo maiiwasan mahulog o magmahal ng tao ng di mo alam. Kusang tumitibok ang puso mo pag nakakatagpo ka ng di mo kakilalang tao. Yung unexpected person that you two will bumped on each other, in unexpected place. Kase kung nagtagpo na talaga kayo nung una paghaharapin kayo ulit ng tadhana.

Pero proud ako sayo Ate Irene, sinuko mo ang taong mahal mo para sa kaibigan mo. That's what friends right? Walang mali sa inyong dalawa ni Jennie-unnie, nagmahal lang kayo ng parehong tao at isa sa inyo ang magpapalaya.

Proud ako sayo kase alam kong mahal na mahal mo si Grey-oppa at alam kong mahal karin nya. Hindi nyo lang magawang ipaglaban ang pagmamahalan nyo.

Alam mo ba Ate, minsan kailangan mo rin lumaban para sa pag-ibig. Hindi pwedeng ikaw ang talo. Kung i-sasacrifice mo ang friendship sa Love. Ang kaibigan ay takbuhan ng problema Ate, sila ang pangalawang tao na importante sa buhay mo, ang kaibigan ay nagbibigay ng saya,galit at poot.

Ganun lang yan ate. Pero minsan isipin mo rin ang tinitibok ng puso mo. Kase Ate friend has an end. Nagtatapos yan pag nagsawa sila sayo, pag nawalan ng gana, nawalan ng saya. Kaya minsan kailangan mo rin ng katuwang sa buhay yung solo mo lang. At yun ang taong kailangan mong ipaglaban sa lahat. Ang taong nagpapatibok ng puso mo.

Mahal kita, mahal ka namin Ate. May tama at mali ka sa ginawa mo pero Proud ako sayo." Paliwanag ni Yeri at napaluha nalang ako sa mga sinasabi nya.

"Wala akong masabi Yeri, pero salamat" At agad ko syang niyakap.

Humiwalay ako at hinarap ko si Grey.

"Monkey, kung narinig mo man yung sinabi ni Yeri sana naman na tauhan karin o natuwa." I said to her.

"Ang galing nyo magtago ng relasyon Ate." Sabi ni Yeri at tumawa sya.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

1 month have passed..

Jennie PoV

Isang buwan na ang nakalipas pero di ka parin sya nagigising pansin ko ren nung bumisita ako sa kanya ay nakita ko sa heartbeat monitor ay mahina na ang pagtibok ng puso nya.

𝚃𝚑𝚎 𝙲𝚛𝚘𝚠𝚗𝚎𝚍 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜 (JL/LR)✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon