Chapter 16

53 4 1
                                    

Naramdaman ko iyong kamay niya na hinahagod ang likod ko.

"Ssh. It's okay Shan. It's okay."

Nakakahiya. Imbis na tumahan ako ay mas lalo akong naiyak. Gan'on naman talaga 'diba? Kapag may nagcocomfort sa'yo, mas lalo mong nilalabas ang lahat.

"Baby please.. don't cry. I'm here. Do you want to hear my voice?"

Hinahabol ko na iyong hininga ko. Bakit ang sakit kong umiyak? Shan campaigning lang iyon! Natalo ka lang pero 'di ka namatayan!

Ayaw ko pa ring tumigil, nagsawa yata siya kaka-alo kaya binuhat niya ako para maka-upo. Tinakpan ko iyong mukha ko. Inayos niya ang buhok kong nakadikit sa mukha ko. Nilagay niya iyon sa likod.

May pinunas siya sa akin. Panyo niya yata. Unti unti ay huminahon ako. Kinuha ko iyong panyo niya at pinunas sa mukha ko. Nakakahiya naman.

No'ng nakita niyang tapos na ako at medyo okay, inangat niya ang baba ko at hinarap sa kanya.

Ngumiti siya. "Ikaw pa rin ang the best secretary para kay God. H'wag kang iiyak. Instead, stand up. Smile. Ang tunay na loser ay siyang umiiyak. Pero walang masamang umiyak kase nasaktan ka. But promise me, this would be the last? Okay?"

Kinagat ko iyong ibabang labi ko at bahagyang tumango.

Ginulo niya ang buhok ko. "Bakit ba ang babaw ng luha mo?"

Hindi ako nakasagot. Tumayo siya at may kinuha sa bag niya. Tumbler, at pina-inom sa akin ang laman no'n.

"T-thank you." I said at lumanghap muli ng hangin.

Sumikip ang dibdib ko kanina at parang nauubusan ng hangin.

Tinabihan niya ako. Inakbayan at sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

Gan'on lang ang posisyon namin. Tahimik lang kami kaso naalala kong 'di pa pala ako nakakapagpalit.

"I'll take a bath first." Napapaos kong sabi.

"Aww. Sakit naman ng pinagdadaanan mo. Pero ang galing mong magsalita."

Alam ko namang ini-encourage niya lang ako para ngumiti ako. Gan'on na nga ang ginawa ko.

"Salamat." Sabi ko bago pumasok ng banyo.

Sa sobrang bait niya sa akin, 'di ko maiwasang magtanong kung bakit niya ginagawa iyon. May nagawa ba akong sobrang laki dati kaya binigyan ako ng ganitong blessings ni God? Sobra sobra na at sa tingin ko, 'di ko na deserve.

Kahit anong ipagpilitan kong 'wag na niya akong alalahanin, ayan siya. Dumayo pa siya rito galing Manila para kamustahin ako. Lagi kong sinasabing okay lang ako at mag-aral siyang mabuti, pasaway pa rin.

Nafi-feel ko nga minsan na ako na ang priority niya. And I don't want that.

Dahil alam kong walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Lahat umaalis. Paano? Paano nalang kung isang araw, wala na siya? 'Di ko na makakasama? Eh masyado na akong naging dependent sa kanya. Paano ako babangon? Paano ko haharapin ang araw sa katotohanang, wala na siya? Paano ako magsisimula?

Paano ako tatayo ulit at magsisimulang mamuhay?

Kung isang araw, naramdaman kong hulog na ako at siya na ang buhay ko.

We shouldn't be. God first. Ang sa taas lagi ang dapat maging center ng buhay namin. Kaya nga tinuturuan kaming i-enjoy ang pagiging single. Dahil ang relasyon sa isang tao, iyon ang makakasira sa relasyon namin sa taas.

Dahil sa pag-ibig, maaring makalimutan mo na kung sino ang tagapaglikha. Maaring hindi na siya ang maging sentro ng buhay mo. Magiging sentro ng buhay mo ang sa tingin mong, the right one mo. Hindi na iyong, the one mo. Dahil nakalimutan mo na siya.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon