Chapter 6

78 7 0
                                    

Mabilis akong umiling. "Gusto ko ng umuwi."

"H'wag makulit."

Suminghot ako at humatsing. Feeling ko ay ang init ko na.

"Shan bakit ang kulit? Pumasok ka na!"

Nagulat ako sa sigaw niya at wala ng nagawa kundi sumunod sa kanya. Nakakainis naman! Eto na naman tayo. Siya na naman ang may responsable sa akin ngayon. Kina-a-awaan na naman niya ako kaya dito na niya ako pinatuloy. Naipakita ko na naman sa kanya na kung gaano ako ka-tanga bakit ko ginawa ang mga bagay na ito. Na hindi ko kayang umuwi ng mag-isa. Kung alam ko sanang ganito ang mangyayari edi sana kanina palang hindi na ako nag-inarte!

Sumunod lang ako sa pag-akyat hanggang makarating sa k'warto niya. Unlike before, s'yempre ngayon medyo nakaramdam na ako ng hiya lalo't na ngayon ko lang narealized na nakasama ko talaga siyang matulog sa isang k'warto and take note sa kanyang k'warto! Tapos siya natulog sa sofa habang ako sarap sarap at mahimbing na nakahilata sa kanyang kama?

"Shan!"

Napabalikwas naman ako at pumasok na nga sa loob. May kinuha siya sa kanyang cabinet at binigay sa akin iyon.

"Magpalit ka na sa banyo. Bababa lang ako para maihanda ang soup."

Kinuha ko na iyon dahil nilalamig na rin ako. Napatingin ako sa sahig at may putik ito. Nakakahiya! Mamaya pagkatapos ko ay pupunasan ko nalang ito.

Dahil alam kong lagnat 'din naman ang ending nito, sinulit ko na. Kahit nanlalamig at sobrang init na ng aking pakiramdam ay naligo na ako. At least komportable sa feeling at hindi 'yung may putik putik sa katawan ko or what.

Pagkatapos ko ay malamang nagpunas na sa towel at napaamoy dito same as sa sarili, panglalaking scent. Tiningnan ko iyong black shirt niya na may maliit na check na kulay gold banda sa kaliwa. T'saka napatingin sa kabuuan nito. Ang laki naman. Gan'on na ba ako kaliit o kabata kumpara sa kanya?

Napabusangot ako sa aking naisip. Binigyan niya rin ako ng jersey shorts at salamat nagkasya sa akin kahit malaki pa rin. Mukha akong bagong tuli.

Pagkalabas ko ay nakita kong malinis na ang sahig. Nanlamig naman ako kaya pumailalim ako sa kanyang comforter. Naka-fan nalang ang aircon at kulob naman ang kanyang k'warto ngunit ako'y nilalamig pa rin. Hinanap ko iyong remote ng aircon ngunit 'di ko mahanap kaya 'di ko na napatay. No choice. Hihintayin ko nalang si Creston hanggang sa makabalik ulit dito.

Napa-pikit ako sa pagkahilo at ang sama talaga ng pakiramdam ko. Tinabi ko iyong salamin ko sa gilid. Nakaka-asar! Sumasabay ang panahon sa pagkamatay ng pamangkin ng service ko! Aba'y dinamayan yata sila kaya pati ang mundo ay sobrang naiyak.

Narinig kong bumukas ang pinto pero nakapikit pa rin ako.

"Shan?"

"Hmm? P'wede paki-patay ang aircon?"

Wala na akong narinig na makina mula sa aircon ngunit ako'y nilalamig pa rin.

Dumilat ako at tiningnan niya akong mabuti.

"Ang tigas talaga ng ulo mo ano? Nilalagnat ka na nga tapos naligo ka pa?"

"At least malinis! T'saka tapos na ako o! Maibabalik mo pa?"

"Sit down. You must eat this. So you can take a med." Sabi niya nalang dahil wala yata sa mood para makipag-talo sa akin.

Dahil ayoko ng mag-pabebe pa dahil sobrang sama talaga ng aking pakiramdam, agad na akong sumunod sa kanya sa center table para at least kahit konti ay gumaan ang pakiramdam ko.

Sarap na sarap ako sa sopas pero no'ng nakalahati ko na ay parang wala na akong gana. Para akong biglang nawalan ng panlasa. Napansin ni Creston ang aking pagtitigil.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon