Chapter 30

38 4 0
                                    

Umiling ako sa naisip. Hindi naman niya siguro magagawa iyon. Baka sa mga libro lang nag-e-exist ang word na iyon.

Sadyang napa-paranoid lang ako. Lahat kase ay may epekto sa akin..

Baka siya ang may gustong patunayan. Baka pinapatunayan niya na sa kabila ng kabaliwan niya sa akin no'n, kaya niyang mag move on. Baka gusto niyang makitang masaya na talaga siya. Gusto niyang makita na nakahanap na siya ng iba. Pamalit sa akin.. Na walang forever. Na hindi forever ay ako lang..

Siguro naisip niya, tama si ate Faith no'n. Puppy love lang ang lahat.

Pero bakit ako? Bakit ako hanggang ngayon siya pa rin?

Imbis na hindi ko na siya naiisip, ayan siya sa harap ko. Mas lalo pa yatang nadagdagan dahil sa kanyang hitsura.

Lalaking lalaki na siya sa kanyang katawan. Ang kanyang postura ay sumisigaw ng karangyaan. Sa isang tingin mo, malalaman mong may disente siyang trabaho at nakapag-aral mabuti.

He's totally a man now. He grew up. Nakakahiya ngang tumabi sa kanya dahil baka manliit ako. Ako nalang yata ang 'di nag ma-mature.

Ang bilis talaga ng panahon.. parang kailan lang mahal niya ako.

Ngayong isang tao lang ang pagitan namin, lalo ko siyang na miss.

Gusto ko siyang hagkan, lapitan, pang gigilan, halikan, kausapin kung may pag asa pa ba ako.. Pero wala na akong karapatan.

"I can't see the end of this. I just wanna feel your kiss again on my lips. And now all this time is passing by, but I still can't seem to tell you why. It hurts me every time I see you, realize how much I need you." Mahina kong pagkanta.

Gusto kong umamin na minahal ko siya. Noon pa at hanggang ngayon.. Ngunit para saan pa? Mababago ba niya ang tinitibok ng puso niya? Puso niya na hindi na ako ang laman.

Tumayo kami at nagtatalon talon. Sa ngayon ay i-enjoy ko nalang muna ang concert.

Tiningnan ko silang dalawa. They're perfect for each other. Kahit nakataas iyong mga kamay nila ay magkadikit pa rin ito.

Ano kayang feeling kung ako iyon? Ang s'werte naman ng babaeng 'to.

Umakbay si Creston kay Maybeline at ipinahinga niya ang kanyang ulo sa balikat ng babae at isiniksik pa ang sarili doon. Parang ayaw niya ng pakawalan ang fiancé niya. Parang sigurado na siya na sila talaga hanggang huli.

Well sa kakulitan ni Creston, kahit imposible ay gagawin niyang posible. Mahal niya ang babae e kaya gagawin niya ang lahat. Ipaglalaban niya.

Ako nga'y ipinaglaban niya kahit against pa kay Lord paano pa kaya ngayong p'wedeng p'wede sila at walang hadlang sa kanila?

May ibinulong si Maybeline kay Creston at humalakhak naman siya. Ngumiti lang ang babae habang ang lalaki ay hinalikan siya sa pisngi.

I remember when he smile at me.. like I'm he best thing in the world. But now his smile belongs to the someone that made him, his world. I remember when he used to stare at me. I remember when he cried because of me.

I can still remember, I was the one who said it's over. I know that I will only be a page in his story, because what he have now will be his history. All I see that is he's happy and I just have to let it be..

I can't turn back time. I wish I could.. The thought that he'll never be mine again, still drives me insane.

I will always remember that time when we're laughing.. Because all I can do now is to remember..

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon