Chapter 7

57 6 0
                                    

Gumising ako sa 'di malamang dahilan. Sobrang sakit ng ulo ko, nagbabara pa ang aking ilong. Mabilis kong nilagyan ito ng vicks para kahit konti ay makahinga ako. Nakita ko si Creston na nasa sofa. Mahimbing na natutulog. Mukhang pagod na pagod. Napangiti ako. Pinagpapawisan siya. 'Di siguro sanay na walang aircon. Pwede naman kase ako sa guest room matulog bakit siya pa ang kailangang mag-adjust samantalang ako ang istorbo rito.

Nilapitan ko siya at kinumutan noong tuwalya. Naalala ko tuloy no'ng una. Ang sungit ng mukha niya. Hindi niya ako pinapansin. Ang snob, akala ko nga nangangain ng tao e. Awkward pang kasama siya kase 'di niya naman ako kinakausap. Kinakatakutan ko pa siya no'n dahil lagi niya akong nakikitang nangingielam ng keyboard sa church. Pero no'ng nakilala ko siya, napaka-bibo, hyper, kalog at napaka-kulit. Pero s'yempre g'wapo. Eh ang cute niya kapag naka-ngiti siya kahit lagi niya akong inaasar.

Walang duda, anak nga ito ng isang Diyos. Napaka-bait. Kahit naman nagmumura 'yan, 'di naman niya siguro intensyon, 'diba? Eh tingnan mo ngayon. Kung ako lang nasa lagay niya, pakielam ko ba sa babaeng makulit. Gusto na nga niyang umuwi edi umuwi siya. Ayoko ng perwisyo sa buhay. Pero siya kahit pagod, ayan, handang magpuyat para sa akin. No'ng tumayo ako ay bigla akong nahilo. Naramdaman ko na gusto kong sumuka kaya dali akong pumunta ng banyo ngunit 'di umabot.

Napasuka ako sa sahig. Ang sakit. Konti nalang pati intestine ko ay aking isuka. Umubo ako ng umubo at may biglang humagod sa likod ko. Binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ito. Naawa naman daw ako sa sarili ko pero lalo na sa kanya. Siya tuloy 'yung naiistorbo ko imbes na problema ko 'to. Bakit nga ba kase ako nagbasa sa ulan? Kaiyak.

Bukod sa 'di na ako makakapasok bukas, ang sama pa ng pakiramdam ko.

Pumasok ako sa banyo at kumuha ng basahan. Bago ko ito mahawakan ay may humablot na nito.

"Ako na." aniya.

"Creston kaya ko. Matulog ka nalang ulit."

Nagsinungaling na naman ako. Ang sakit ng ulo ko! Pero kaya ko kase sarili kong suka iyon kaya dapat ay ako ang mag-asikaso.

"Ikaw ang matulog. Magpahinga ka na. Wait." Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. Napatitig naman ako sa kanya.

Gulo gulo pa ang kanyang buhok at naniningkit pa ang mata, halatang galing sa tulog ngunit ang g'wapo pa rin.

Hinila niya ako papunta sa kama at pina-upo doon. Nakita kong kumuha siya ng gamot at nagsalin na naman ng tubig galing sa pitsel. Hinanda niya yata 'to kagabi.

"Thank you." Ininom ko na 'to.

"You need something?"

Umiling nalang ako. 'Yung towel ko ay binabad ko ulit sa basin na nasa banyo t'saka piniga.

"Rest." Si Creston.

Kahit hindi niya sabihin ay hihiga na ako. Kahit alam kong sasakit lalo ang ulo ko kase nakahiga na naman, eh inaantok 'din ako.

Balang araw masusuklian ko rin ang kabutihan mo Creston. Hindi man ay, si God na ang bahala sa'yo. May God bless you more.

Ako'y humiga na at nilagay ang towel sa aking noo.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya dahan dahan kong dinilat ang aking mata. Bumungad sa akin ang mukhang pagod at puyat na mukha ni Creston ngunit puno ng pag-alala ang kanyang mata. Nakangiti siya habang binibigay ang gamot.

"Good morning Shan." Mahinahon niyang tugon.

Agad kong tiningnan ang ang wrist watch ko. Quarter to 6 ngunit madilim pa rin.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon