Chapter 13

61 4 2
                                    


"O buti ay nakapunta ka! Akala ko sobrang busy na e."

"Seek Him first." Ngumiti si Creston.

Nag-aya na si Kaizen umuwi. Sabi ko ay maghintay pa saglit dahil hindi pa rin ako kinakausap ni Creston. Hanggang sa binlockmail na ako ni Kaizen na i-u-upload niya 'yung pinaka-epic kong picture. B'wisit.

Pag-uwi ko ay nag online agad ako. Hindi naman siya online. T'saka ayokong ako 'yung unang gumawa ng move.

Bumisita nalang ako sa instagram. Pagkabukas na pagkabukas ko, nakita ko ang post niya. Kaklase niya ba ito? Pero iba 'yung uniform. May kasama siyang babae. Nasa ice cream parlor yata sila dahil doon sa kinakain t'saka sa background.

So gan'on? Kaya 'di na niya ako pinansin? Girlfriend niya ba 'to?

Naalala ko no'ng sinabi kong bawal muna. Ngumiti lang siya. 'Di siya nagrespond or nag-react. So eto na nga 'yun?

Nanood ako ng mga DIY's sa youtube dahil wala akong alam gawin. Naghihintay sa chat niya ngunit walang natatanggap. Nakuha ko ng makakain at makahilamos.

I missed his voice.

Nakuha ko ng matulog, wala pa rin.

Sa sumunod na linggo ay nasa sala na si Kaizen. Sinusundo ako. Sabay daw kaming pupunta sa kanila. Doon kase ang meeting place ngayon. Campaigning na e.

After kong naligo ay sinuot ko na iyong red shirt na may tatak ng partido namin. Ito ay nagsisilbing uniform namin ngayong week ng election.

Tiningnan kong mabuti iyong pangalan ko sa likod sa salamin. Deserve ko naman sigurong manalo 'diba?

Pumasok si Kaizen sa k'warto. Nakita niya akong nakatingin doon kaya agad akong tumayo ng maayos.

"You done?" tumango ako.

"Wait, mauna ka na." tumango siya at lumabas ng k'warto ko.

I prayed muna. Alam kong magiging successful ito. I will trust Him.

Nang makalabas kami ay pina-upo niya ako sa bermuda grass namin.

"Ano ba? Ang kati rito!"

"Saglit lang. Last. Please."

Wala na akong nagawa kung 'di umupo. Hinintay ko nalang siya sa gagawin.

Nakita kong pinicturan niya iyong likod ko gamit ng DSLR niya.

"Ipapasa ko nalang sa'yo 'to kapag nalipat ko na sa laptop."

Ngumiti ako. Kahit paano ay may nakakatuwa paring bagay siyang nagagawa.

Kinuha ko iyong phone ko sa bulsa at bago umalis, nakipag-selfie muna ako sa kanya. Nagpasuyo kami sa driver na picturan kaming dalawa. Para tuloy kaming nag photoshoot rito sa garden namin.

Inupload ko ito sa instagram, nilagay sa my day at my story.

Ilang sandali lang ay may nagcomment.

creston.dv next time na makapunta ako ulit d'yan, sana tayo naman ang mag pictorial. Lol

Ngumiti ako pero napawi agad iyon ng maalalang 'di man lang niya ako kinausap last week. Wala siya no'ng sunday. Busy talaga na kahit pagtawag sa akin sa gabi ay 'di niya magawa. Okay, anong karapatan ko? Eh ako ng nagsabing God and study first. Tsk tsk. Umiling iling ako sa sarili ko na parang 'di makapaniwala sa inaakto ko.

Sumapit ang 6:30 at saktong nakarating na kami sa bahay nila. Naroon na ang iba.

Binigay na sa amin iyong mga ID namin, balloons, pompoms, 'yung mga instruments na gagamitin, fliers na ipamimigay, t'saka red ribbon na gagawing headband ng mga babae at itatali naman paikot sa noo ng mga lalaki.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon