Chapter 15

48 3 4
                                    

Natapos din 'yung week ng campaigning. Dugo't pawis ang inilaan namin doon, at ngayon na magkaka-alaman kung sino ang magiging lider ng school namin.

Dumiretso kami sa room ng aming partido. Dito lang kami mag-s-stay buong maghapon. Bawal ang pakalat kalat dahil may chance na ma-disqualified kami.

Niyakap ko ang jansport kong bag t'saka isunubsob ang mukha ko doon. Nahihilo ako. Hindi ko pa rin mabawi iyong lakas na dapat meron ako. Naubos na talaga. Gusto ko pa ngang matulog e. Sakit ng katawan ko.

May naramdaman nalang akong may nagmamasahe sa likod ko. Napaka-concern naman daw ng pinsan ko. Kahit ang lakas ng trip niya sa akin.

Mayamaya ay nasa ulo ko na ang kamay niya. Hinayaan ko nalang siya. Nakapag-relax din ako.

"Colo.." napapaos niyang sabi.

Halos kami ay paos na ngunit kinakaya pa rin namin. Ako nga parang tinamad ng magsalita dahil wala ka ng maintindihan sa sinasabi ko.

Humarap ako sa kanya. "Bili tayo."

Tumayo na ako at sinamahan siya sa canteen.

"Shan!" tumakbo palapit sa akin si Vera.

"Woy! Good luck!" sabi ko.

Niyakap niya ako. "Ih ayoko na. Feeling ko ikaw mananalo. Natatakot ako. Dapat sinabi mong ikaw ang inilaban nila sa secretary para umayaw ako."

Tumawa ako. Malapit din si Vera sa akin. Katabi ko kase siya sa room.

"Luh ikaw nga d'yan e. Baguhan palang ako. Samantalang ikaw, kilala kana nila."

"Ay hindi! Basta, bahala na." ngumiti siya at nagpaalam ng umalis.

Bahala na si Lord.

"Dalawa pong mogu mogu."

Binigay na sa amin iyong mogu mogu pero 'di pa rin siya nag-aabot ng bayad.

"Hoy wala ka bang balak maglabas ng pera? Naghihintay iyong tindera!" pinilit kong maging maliwanag ang boses ko.

Pero parang wala man siyang naririnig. Bakas kay ate na naasar na siya dahil wala pa kaming binabayad. Baka ipabalik niya ito o ipabayad ng doble, nainom na pa naman ni Kaizen. Inis akong inabutan ng bayad iyong tindera.

No'ng nabigay na sa akin 'yung sukli ay humirit pa siya.

"'Yung nga pong tortillos. 'Yung malaki."

Ay shete?

"Walang 'ya ka Kaizen! Wala na akong pera!"

Sabi ko na nga ba may kapalit iyong mga nilibre at kabutihan niyang ibinigay sa akin! Hindi ko naman iyon hinihingi.

Binuksan niya iyong binili niya at sarap na sarap kumain. I glared at him.

"O? Gusto mo? Bigyan kita, kawawa ka naman."

Hinablot ko iyong junk food sa kanya at naunang maglakad.

"Oyoyoy! Hindi p'wede iyan."

"Thank you dahil binigyan mo ako! Thank you! Sa'yo pera e. Thank you talaga!" garalgal kong boses. Ugh! Sakit ng lalamunan ko. Dapat mineral water nalang e, pa-mogu mogu pa ang nais nito.

Buti nalang at nakatipid ako dahil minsan, siya ang naglilibre ng lunch sa akin kaya may extra money ako. Matalino talaga 'to no?

Pagkarating namin sa room ay maingay pa rin sila. Ganyan sila e, 'di nauubusan ng topic. Pumunta nalang ako sa sulok. 'Di ba nakakaramdam ng pagod ang mga 'to? Napatunayan kong 'di talaga ako bagay sa pangangampanya dahil agad agad ay nawawalan ako ng energy.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon