Chapter 29

35 3 0
                                    

Kung saan saan kami nag stop over. Hindi na rin tumigil iyong bibig namin sa kakanguya. Pagkatapos naming magbreakfast sa starbucks ay dumaan sila sa pinakamalapit na duty-free at nag grocery para raw may makain sa sasakyan.

"Wala na sigurong bababa ano? Sapat na siguro iyang pagkain niyo?" si Cleon na nababanas. Paano ay pahinto hinto kami kanina. May nag c-cr, may bumibili ng candy or what. Parang inaasar nga lang ang kawawa kong pinsan.

"'Wag ka ng magtampo baby ko.." si Keanu na tumatawa at inihagis banda sa amin ang snickers. Buti ay nasalo ko ito at agad na binuksan.

"Oh baka magalit ng tuluyan at ibangga mo pa kami.." ipinasubo ko sa kanya iyong chocolate. Kumagat naman siya at ngumiti.

"Sus. Pabebe."

Nang may madaanan kaming restaurant ay nagpababa si ate Louisse. Mag-lunch muna raw kami. Taos puso namang inihinto ni Cleon ang sasakyan dahil pati siya siguro ay gutom na.

May nagbeep sa phone ko at nakitang nagtext si Divine—kachurchmate ko rin, nagyaya siyang mag video call. Nagtanong ako sa crew kung ano ang password ng wifi at ibinigay niya naman sa akin iyon.

"Grabe! Ang unfair niyo talaga!" salubong niya na nagmamaktol. Inilayo niya ang screen sa mukha niya nang sa gan'on makita namin ang iba.

"Wala! 'Di na natin bati ang mga 'yan!" si ate Heaven.

"Sus palibhasa'y hindi kasama si Keanu!" tumawa si Ruth.

Tumabi sa akin si Kaizen at nakipag-usap na rin sa mga ka-churchmate namin. Nagpaliwanag naman siya ng maayos kaya hindi na sila masyadong nagtampo.

"Saan ba kayo niyan? Mag fa-fastfood chain lang yata kami e! Kabanas!"

"Shrue! Dapat pala ay nagsolo nalang din kami para may kalayaan kung saan muna gustong pumunta.."

Tumawa lang kami ni Kaizen.

"Kaka-alis niyo lang ba niyan ate?"

Nakita naming palapit na ang mga pinsan ko. Si Keanu ay nagmadaling pumunta sa amin, mukhang alam kung ano ang ganap. Pumwesto ako sa dulo at itinaas iyong phone ko para makita nilang lahat.

Si Zairo at ate Louisse na ang nakipag-usap sa waiter para sa orders namin. Hindi naman kase kami mapili sa pagkain. Kahit ano ay kaya naming ubusin.

"Edi kayo na!" si ate Angel.

"Okay lang 'yan!" si kuya.

"Miss ka na raw ni Keanu, Heaven!" Cleon said.

"O tapos? Miss ko ba siya?"

Umiling nalang ako at ngumiti sa kanila. Nang dumating na ang mga pagkain ay sina Keanu at ate Heaven nalang ang nag-uusap. Tinititigan ko lang sila habang kumakain.

Ang saya saya nilang tingnan. Siguro eto na 'yung will ni Lord. Sila na nga ang itinadhana para sa isa't isa. Kaya siguro sila masaya dahil naghintay sila para sa right time na 'to. 'Di nila pinangunahan ang plano ni God. Hindi sila nagmadali at in-enjoy muna ang pagiging single. Ngayong nasa stage na sila ng relationship with opposite sex, wala ng problema dahil p'wede na sila.

Napa-isip tuloy ako. P'wede na ako ngayon pero wala pang dumarating. Maybe eto 'yung kapalit ng pagmamatigas ko no'n. Kailangan ko pang maghintay para ibigay na talaga sa akin iyong right one ko.

Mga 1pm ay umalis na rin kami at nagpatuloy sa biyahe. Kahit kakatapos palang nilang kumain ay sinunggaban pa rin nila iyong pinamili nila kanina.

Ako naman ay pinapak ang piknik. Kahit paano ay potato siya kaya craving satisfied.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon