Prologue

422 14 1
                                    

Natapos ang samba at hinintay ko munang umalis ang lahat. Pasimple akong umakyat sa stage at pinakielaman ang keyboard ng church. Gusto ko talagang matuto nito pero nahihiya akong mag-approach. Isa pa, baguhan pa lang ako sa church na ito at wala pa akong masyadong kilala. Pangatlong linggo ko palang dito pero hindi pa rin ako komportable.

Ganito rin ako sa church namin dati, pasimple akong tumutugtog sa keyboard. May alam na akong piece pero hindi ko kabisado at hindi iyon perpekto.

Nagtype na ako ng kung anu-anong keys. May narinig akong tumikhim at napadilat ako. Nakita ko si kuya Creston na nakatingin sa akin at no'ng nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay pinagpatuloy niya ang pagliligpit sa kanyang gamit.

Tinaas ko ang kilay ko. Oh my gosh! Nakita niyang nahihirapan akong tumugtog. T'saka ko nalang napansin na nakaupo ako sa harap ng keyboard kaya bigla akong napatayo at umiwas doon. Ang alam ko, siya organista.

Ngayon ko lang narealize na dapat kanina pa ako tumakbo! S'yempre kay bago ko rito at nangingielam ako sa kanilang gamit. Pasalamat nalang talaga ako na hindi niya ako pinagalitan.

Namula ako at tumakbo na palabas. Saktong hinahanap na rin pala ako ni mommy. No'ng dumaan ako malapit sa kanya, kahit mahina 'yon, narinig ko siyang humalakhak!

Kinabukasan, pagkatapos ng aking klase ay dumiretso na ako sa church para magpractice sa choir. Sa dati ko kaseng church ay member ako ng choir kaya isinali rin ako ni mommy dito.

Dumiretso ako sa likod kung saan sila naroroon. Dapat pala ay hindi ako pumunta rito. Nakaka-op.

"Ton, pasuyo naman!"

Nilingon ni kuya Creston si ate Faith.

"Pwedeng pakuha no'ng bible ko sa bahay? Naiwan ko. Hehe sorry, may sasakyan ka naman kaya ikaw ang nautusan. Pasensya sa abala at salamat!" ngumiti ito.

"Sige, no problem! Saan ba banda?"

Nagulat ako nang lingunin ako ni ate Faith.

"Isama mo nalang si Shan, alam niya kung saan 'yon banda."

"Ha?" gulat na tanong ko. Tinulak nalang niya ako papasok sa sasakayan ni kuya Creston.

Sa lahat ng ka-churchmate ko, si ate Faith lang ang close ko. Hindi naman as in duper close kase pag minsan 'di rin kami nag-uusap dahil busy siya. Ang friendly kase niya at siya ang unang nag-approach sa akin no'ng baguhan ako. Hindi naman sa masungit 'yung iba, sa kanya lang talaga malapit ang aking loob.

"Saan ka pupunta Shan?"

Isa pa si kuya Jude, jolly person siya at walang hiya 'yan. I mean, feeling close siya. Pero masaya naman siyang kasama. No'ng minsan ay naglibre pa 'yan.

"Ah kari ate Faith!" ngumiti ako. Galing kase ako kanina sa bahay nila at pinakielaman ko ang bible niya. Type ko kase eh. T'saka inutusan ako ni mama kanina para kay tita.

Sumakay na ako sa loob. Tahimik lang kaming dalawa ni kuya. Awkward.

Sa lahat ng ka-churchmate ko, napansin kong siya ang pinakatahimik. Nag-usap lang 'yata kami niyan ay no'ng pinakilala ako. I mean, nagpakilala kami sa isa't isa. 'Yon lang.

Pagdating sa bahay ay agad kong kinuha ang bible ni ate Faith. Nag cr yata saglit si kuya kaya na-upo ako sa harap ng piano. Pinindot ko isa isa ang mga keys ne'to hanggang sa lumapit si kuya. Napabalikwas ako at tumayo na. Kumunot ang noo niya sa aking reaksyon pero hinayaan ko nalang 'yon.

"Ayan na ba ang bible?" si kuya sa malambing na salita.

Gusto ko sana siyang irapan dahil common sense pero 'di kami close. Tumango lang ako.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon