Chapter 23

34 3 5
                                    

Unlike what my role in the play did, iibahin ko 'to.

We decided to go mall kahit mag gagabi na. Aniya, gusto niya raw manood ng movie at makapag-relax with me.

Hindi ko alam kung bakit ba ako sumama sa kanya. Siguro dahil gusto ko rin. Siguro dahil na miss ko siya. Siguro dahil baka hindi ko talaga kaya.

Bakit kase siya bumalik?

Pumikit ako ng mariin. Ano ba ang ginagawa ko? Mali ito. Sawang sawa na ako. Feeling ko I was living in this world full of mistakes. Mistake na kapag ginawa mo, hindi mo na mai-tatama pa. Ang magagawa mo nalang is mag regret.

Tahimik pa rin ako habang mabibigat ang hininga sa loob ng sasakyan niya.

Nakikita ko siya sa peripheral vision ko na parang malungkot, nasasaktan. 'Yung mga mata niya, imbis na natutuwa dahil nakita niya na ako, sumama ako at hindi na nagpumilit, malungkot pa rin. Parang may kulang. Parang may hinahanap pa. At ako lang ang makakapunan no'n.

Literal na sumikip ang dibdib ko. Bakit ba kase ganito? Bakit kase bawal? Edi hindi na kami nahihirapan pa. Parehas naman naming gusto ang isa't isa, bakit kailangan pa naming maranasan 'to? Masama ba talaga ang magmahal?

No. Hindi pala masama ang magmahal. Masama is magmahal ka sa ganitong panahon. Hindi tama. This is a forbidden love. You can't to do anything about it. Masasaktan ka lang.

Habang nakikita ko siyang tahimik lang ding nagda-drive, lumandas ang luha ko sa pisngi. He didn't deserve this pain. Dapat ay jolly pa rin siya. Masaya.

Parang ang daming nagbago. Kahit kanina ay pinamukha niya sa aking malakas siya at 'di nahihirapan, ngayon kitang kita ko. Mahirap siyang basahin pero kung papaka-titigan mo at gusto mo talaga siyang makilala kung ano siya ngayon, makikilala mo siya.

'Yung sakit na nararamdaman niya ay mas dinaramdam ko. Ang sakit kase, bakit kailangan niya pang maging ganito. Dapat ako lang e. Dapat ako lang.

He's on the right time. On the right age. Kadiwa na siya. Kung gusto niyang pumasok sa isang relasyon, p'wede naman sa iba.. Bakit sa akin pa?

"Creston why are you doing these.."

"Did you really want to know?" garalgal ang boses niya kaya humagulgol na ako.

'Di ko pala kaya. 'Di ko kaya..

Suko na ako. Masakit. I can't handle this pain anymore. Sa ngayon, makasalanan na ako. Ang dami ko ng kasalanan. Naumpisahan ko na. Dapat tapusin ko na rin at ituloy ko.

'Di ako makapaniwalang naging ganito ang desisyon ko pero masama bang maging masaya? Masama bang maging makasarili dahil sa pagmamahal sa kanya?

Pagod na akong magpanggap na kaya ko. Pagod na akong magpanggap na hindi ko siya mahal.

Pagod na ako kaya susuko na ako. Kahit ngayon lang gusto kong maging masaya ako. At least tinry ko at walang what if's.

"I feel like I've won. You're my key to survival."

Nahimigan ko ang malalamig niyang boses na sumasabay sa kanta ng kanyang stereo. Napapikit ako.

"And if it's hero you want, I can save you. Just stay here. Your whispers are priceless. Your breathe, it is dear. So please, stay near.."

Feel na feel niya ang kanta like it's a message for me.

"Say my name. I just want to hear you. Say my name. So I know it's true.. You're changing me. You showed me how to live. So just say.. So just say."

Creston Dairus Vellapana..

Namalayan kong nakatigil na pala ang sasakyan sa parking lot ng mall. We're here. Seryoso niya akong tiningnan.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon