Chapter 10

61 7 4
                                    

Nakalabas na ako ng ospital after 5 days. Malakas, energetic at hyper na ako ngayon kumpara noong dati. Buti at hindi na ako nagtagal dahil hindi naman daw malala ang dengue ko pero naranasan ko pa rin iyong mga symptoms niya. Hindi naging madali iyon lalo na bawat araw ay iniisip mo iyong mga lessons niyo sa school.

Tapos iyong katotohanang, hindi na siya muling bumisita.

Ang lakas ng loob kong mag-demand e samantalang kalahati yata ng buwang ito ay na sa akin ang kanyang atensyon. Hindi na siya nakapag-focus sa pag-aaral. Pinilit ko na rin naman siya dahil binlock mail ko. Minsan pa siyang hindi pumasok ay hindi ko talaga siya kinausap. Kapag kase sinabi ko, sinabi ko.

Ngunit walang palya niya akong tinatawagan tuwing gabi. Nangangamusta, pinapaalala na magpahinga, kumain ng marami at iyong gamot. At s'yempre, pagkanta ako hangga't sa makatulog ako.

Hobby na niya yata iyon at ako'y nasanay na rin.

Ngayong papasok na ako ay tinatamad ako. Kahit naman ang dami kong na-missed na topics, dahil ilang araw na rin akong wala kaya kung papasok ako ma-a-out of place lang ako. Sila patapos na ako nagsisimula pa lang.

Nanibago ako pagkapasok ko sa room. Nagtinginan naman iyong mga kaklase ko sa akin at agad nilapitan para kumamusta. Hindi ko na iyon pinahaba pa dahil kailangan kong kumopya ng lectures. Kaya nga maaga akong pumasok para may time ako sa pagsusulat. Hiniram ko rin iyong mga module para mamayang paglabas ay mapa-xerox ko.

Hindi dumating si ma'am sa first subject namin. Kaya kahit naboboring ako at gusto kong makipag-chismisan ay pinilit kong intindihin iyong mga pinag-aralan nila. Nagpapaturo nalang ako kapag 'di ko gets. Nanlumo ako sa calculus. Iyong mga close ko pa naman ay hindi rin gaanong alam ang tinopic nila kaya napa-buntong hininga nalang ako.

Calculus, kailan ba kita mapapa-ibig?

Mabilis naman akong pumick up. 2 hours din kaming bakante at pinagtiisan kong pag-aralan iyong pinag-aralan nila last week. Though marami rin akong na-missed na quizzes pero kaya naman. Ite-take ko nalang siguro ng pa-onti onti para 'di mabigat kapag nirereview.

Pero sa calculus? Inismiran ko nalang ito.

Lumabas na ako ng room nang mag lunch time na ngunit lumapit sa akin si ate Shania.

"Hi ate Shin!" nginitian ko siya.

"Hi Shan. Long time no see."

Ngumiti lang ako. "Uh, balita ko nagka-dengue ka raw?"

Tumango ako. Ang bilis kumalat. Gan'on na ba karami ang chismoso/chismosa rito?

"Kaya ka nawala ng one week?"

Obvious naman 'diba?

"Uhm, yayain sana kita sa campaigning."

Nagulat ako do'n. "Campaigning ate? As in hahabol sa ssg?"

"Oo e. P'wede ka?"

"Hala? Bakit ako? Hindi naman ako kilala rito." Tumawa ako.

"Grabe ka ha. Hindi naman iyon ang basihan."

Weh? Sa panahon ngayon, kung 'di ka kilala, reject ka. Nag-isip ako. Iiling na sana ako kaso hinawakan niya iyong braso ko.

"Nakikita ko namang deserving ka."

Oo gusto ko ring mapaglingkuran ang school ko. Wala ng nangyayari e. Gusto kong ma-voice out ang akin. Tama na iyong tahimik at nagtatago lang. Kaso ayokong ma-stress. Isa pa, one week na akong absent. Tapos a-absent nanaman ako dahil sa campaigning? O what more next year? Mas busy dahil graduating na ako. Hindi ako makakapag-focus.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon