Chapter 25

43 4 0
                                    

Pinuntahan ko na si Creston. Dumiretso siya sa swing, under mahogany trees.

Umupo ako sa kabila at diretso lang ang tingin ko sa aking mga paa.

"Ayaw mo talaga ng nagpapatalo.." I started.

Hindi siya nagsalita. Walang nag imikan sa amin. Hanggang sa napahagulgol na naman ako.

Bakit ba napakababaw ng luha ko. He didn't respond. Hinayaan niya lang akong humagulgol.

Nahihirapan na akong huminga. He landed his handkerchief to me.

Inabot ko iyon at pinunas ko sa mukha at salamin ko. God.. his scent.

"Ayoko ng pinagloloko Colossian. Ano ba talaga ako sa'yo?"

Nagulat ako sa tanong niya pero 'di ko siya sinagot. Kahit anong gawin mo Creston, 'di ako aamin.

Like what Erika did na naman.. Kase nararamdaman ko na e.. Gaya ni Christian, kahit nasasaktan na siya, ipinaglalaban pa rin niya si Erika. Sinusuyo siya hanggang sa mag commit na. Nararamdaman kase ng lalaki na may feelings din sa kanya si Erika.

Kahit nahahalata mo na, kahit alam mo na.. Hindi ko pa rin sasabihin.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"What? You will deny it again? Sasaktan na naman ba ako ng wala o hindi mo? Hanggang kailan mo ako sasaktan Shan?"

Tinitingnan niya ako pero iyong mata ko ay nanatiling nasa sapatos ko.

"Paulit ulit mo kaseng tinatanong eh alam mo namang kaseng w-wala akong nararamdaman sa'yo.."

Hinahabol ko na ang hininga ko. Hanggang kailan nga ba akong magsisinungaling? Creston naman kase bakit mo pa tinatanong. Ako ang nahihirapan. Mahirap magpigil.

Pero mas nahihirapan siya Shan.

"Wala ba talaga? Why are you crying? Lokohan lang? Walang meaning iyon gan'on?" he faked smile at mas lalo akong nasaktan doon. "Ano? Mala Christian at Erika lang? Shan.. 'wag natin silang gayahin.. Ibahin natin.. Hindi iyong tragic. Dahil alam ko gaya ni Erika, you also feel the same."

"Shan look at me.."

'Di ko siya sinunod.

"Shan please look at me.."

No'ng hindi ko sinusunod ang utos niya ay tumayo siya at humarap sa akin. Wala na akong nagawa kundi titigan ang mukha niya.

Bakit ba napaka lupit ng life? Ganyan ba talaga Lord? Ganito ba talaga?

"Shan don't do this to me.." he whispered kasunod ang patak ng luha niya. "Nahihirapan na ako.. Gusto kong sumuko dahil iyong pinaglalaban ko ay sumuko na. Sumuko nga ba? Eh hindi naman siya lumaban."

Ang hapdi na ng mata ko. Wala pa rin siyang tigil sa kakabuhos ng luha.

"Like what Christian said, I just love you. This love isn't just puppy love. I think this is real love kase 'di kita kayang sukuan. Sinusubukan ko pero 'di ako makapag moved on. Ikaw pa rin kase talaga.."

"T-tulungan kita. H-hindi kase—"

"Tama? Bakit ka ba kase nakikinig sa sinasabi ng iba? Hindi pala tama ang magmahal? Bawal palang maging masaya?" at umiling siya. "Sa tingin mo matutulungan mo ako? Ikaw? Ikaw talaga? Ikaw na may dahilan kung bakit ako nagkakaganito?"

"Balik na lang tayo sa dati.. Pinapahirapan lang natin sarili natin—"

"Yeah that's the point. Pinapahairapan natin sarili natin. P'wede naman kase tayo. P'wede tayong sumaya. Just say the words Shan.. Sasaya tayo.."

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon