Chapter 21

35 4 2
                                    

I take a bath first. Habang ang agos ng tubig mula sa shower ay dumadampi sa aking balat, naalala ko na naman iyong play no'ng biyernes. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako kinakausap ni Creston.

Ano ba kaseng pakielam niya sa kiss?

Ako nga ay mabilis nakapag moved on! Hindi ko ginawang big deal. Hindi naman sa 'di ako naniniwalang dapat inaalagaan 'yun, pero s'yempre tapos na! Kailangan nang i-accept. And para sa play lang iyon.

Maski ako ay nagulat. Maski ako ay ayaw iyon. 'Di ko inaasahang gagawin iyon ng kaklase ko lalo't wala iyon sa script ngunit sabi ng direktor namin no'ng bago ang scene na iyon, ang ganda na raw ng play kaso walang thrill kaya inutos iyon para mas lalong maging makatotohanan.

Isa pa, kinausap na rin siya ng parents ko. Si Victor pati ang direktor. Sorry lang sila ng sorry and s'yempre we forgived them. Masamang magtanim ng sama ng loob. Pero si Creston ay ang oa!

Nalaman ko rin sa kaklase ko na kinausap din siya ni Creston. Galit na galit at parang gustong pumatay ng tao.

Sinuot ko na ang mga damit na kailangang isuot t'saka nagbaon ng tubig. Pumunta ako sa shrine. Malawak kase do'n at ang sarap magbike pag ganitong oras ng hapon. Mahangin din.

Nang mapagod ay nagpahinga ako sa isang bench na nando'n.

Iniisip ko iyong mga kilos ni Creston. Hindi naman ako manhid. Pero wala akong confirmation. Hindi p'wedeng mag assume.

Kaya siguro ako ganito, kase nga gusto ko na siya. Kaya ang mga simpleng bagay ay binibigyan ko ng kahulugan. I felt pity again for myself. Kase sa ginawa niyang iyon, naramdaman kong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kase umaasa ako. May pinanghahawakan ako na baka gusto niya rin ako 'diba?

Alam kong nahihibang na naman ako. Bakit niya kase ako binibigyan ng motibo para magpatuloy? Nahihirapan ako.

Mali kase e. Nagpa-extend na nga ako. Bawal ng pahabain pa ito. Isasawalang bahala ko nalang iyong nangyari. Magpanggap na walang play na nangyari.

It's time.

Nag-angat ako ng tingin sa taong nasa harapan ko. Hindi na dapat ako magdadalawang isip ngayon. Dapat ay panindigan ko na iyong desisyon ko. Ayoko ng magkamali pa sa gagawin ko. I love God than anything. Siya lamang ang susundan ko. Hindi itong emosyon ko.

"Ang ikli naman n'yang suot mo."

Dapat masaya ako. Kase after no'ng play ay ngayon lang ulit kami nagkita tapos kinausap niya pa ako. Kaso, habang naririnig ko ang boses niya, nasasaktan ako.

Alam ko kase na balang araw ay hindi ko na maririnig ang boses niya.

Someday, he will leave and I won't see his face anymore. And his presence. Alam kong hahanap hanapin ko iyong amoy niya.

"Alangan mag pangtulog ako 'diba? Nagba-bike ako." Pagsusungit ko.

Pati itong katarayan ko sa kanya. Kahit ganito ako, masaya naman ako deep inside. Hindi ko na siya hinintay magsalita.

Tumayo na ako at mabilis na umangkas sa bike. "I need to go! Good bye!" paalam ko sa kanya.

No'ng nakatalikod na ako sa kanya ay tinawag niya ako ngunit 'di ko na siya pinansin. Nanggilid ang luha ko. Kaya ko 'to. Kakayanin ko.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko si kuya na nakabihis na. Dumiretso na rin ako sa banyo para maligo ulit.

Nagpahatid na kami sa driver patungong church. Practice ng choir. Now, paano ko siya haharapin? 'Di ko alam. Siya pa ang trainor ko sa organ!

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon