Amicitia

141 1 0
                                    

Maaga nagising si Patrick at kumakantang nag-aayos ng breakfast nilang tatlo. Fried rice with scrambled egg and hotdog ang inihayin nya sa lamesa.

Maaga silang papasok dahil nagpalit ng schedule si Eli dahil madaming inaasahang magchecheck-in at check-out na guest ngayong araw.

"Guys! Breakfast na tayo." - sigaw nya sa dalawa.

Tumakbo sya paakyat sa kwarto ni Charles at tumalon sya sa kama.

"Gisingggggg!!!!!"

Tumayo sya at tumakbo papunta naman sa kwarto ni Eugene at kumuha ng isang unan at hinampas nya ito.

" Ughhhhhhh. Bangon naaaa!!!!" -Sigaw ni Pat

Tumayo sya at tumakbo papunta sa kusina habang hinahabol ng dalawang kaibigan.

Tumatawang nagsorry si Patrick sa dalawa at pinaupo para kumain.

"Kaakap ko na si crush eh. Hay*p ka Pat. Dun ko na nga lang sya makakasama ginising mo pa ako." - pagmamaktol ni Eugene

"Pat nexttime na gawin mo un at nasugatan mo muka ko hindi tlaga kita mapapatawad." - pagbabanta ni Charles

"Ano gusto mo? Kasama si crush o walang gising? Ha Eugene? At Charles alam ko mapapatawad mo ako kasi lablab mo ako." - sabay pa cute sa matalik na kaibigan

Minalditahan sya ng matalik na kaibigan at nagpatuloy sa pagkain.

"Mukang masaya ka ah. Kakaiba awrahan mo eh. Excited ka makita si Clqarice? Uyyyyy." - pagbibiro ni Eugene

Kinuha ni Pat ang isang hotdog at sinubo sa kaibigan.

"O ayan bromance tayo. HAHA. Leche ka eh daldal mo. Walang babaeng dahilan, maganda lang talaga gising ko." - nakangiting pagpapaliwanag ni Pat sa dalawa.

Nagmadaling kumain si Pat at...

"Mahuli maghuhugas ng pinagkainan." - sambit ni Pat pagkasubo ng huling kutsarang kanin.

Nagunahan kumain si Eugene at Charles dahil pareha nilang ayaw maghugas ng plato.

....

"Ako na naghugas kagabi e, dapat kayo naman." - pagmamaktol ni Eugene habang naghuhugas ng plato.

"Masisira kamay ko be. Hindi kasi to pang dishwasher." - natatawang sambit ni Charles.

"Oo na oo na. Bilisan mo maligo ah ako sunod." - wika ni Eugene kay Charles

"Gusto mo wait na kita? Sabay tayo?" - tanong ni Charles kay Eugene na may malaking boses habang nakasandal sa pintuan ng CR.

"Hindi na ako maliligo." - sagot ni Eugene

Habang busy ang dalawa sa asaran nila ay si Patrick naman ay busy sa pag-aayos nya.

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon