Pag-upo ni Eli sa tabi ni Eugene ay biglang tumayo si Clarice.
"Eli ang ganda pala ng love story nyo ni Eugene. Cheers tayo for that." - tinaas ni Clarice ang baso nya.
Si Clarice ay matagal na nilang nakikita pero hindi sila ganung ka-close ng mga receptionist dahil may pagkamaldita din ito.
Tumayo silang lahat at nag cheers.
Nakangiting tumingin si Eugene kay Eli.
" Para sa pagkikita nating muli." - ngiting wika ni Eugene.
Tumingin si Pat kay Eugene at inangat baso nya.
"Para sa inyong dalawa to." - seryosong sabi ni Pat kay Eugene
Ininom ni Pat ang laman ng baso nya na punong puno ng beer. Nagulat silang lahat sa ginawa ni Pat.
"Mukang support na support si Pat sa kaibigan nya. " - Sabi ni Daisy
"Ngayon lang kita nakitang seryosong iniinom ang beer ah Pat." - comment ni Charles sa bestfriend nya.
"Masaya lang sya para sakin, dba Pat?" - singit ni Eugene.
Ngumiti lang si Pat kay Eugene.
"So ano na kayo na bang dalawa?" - tanong ni Charles
"Agad agad? Hindi ba pwede friends muna, getting to know each other? Ligawan ganun?" - tumatawang sagot ni Eli
"Be dahan dahan lang makinig tayo kay Maja Salvador. NBSB yang kaibigan ko e." - tawang sabi ni Daisy.
"Ay Virgin!" - tumitiling sabi ni Charles.
Nagtawanan ang magkakaibigan. Habang nagkakatuwaan ay biglang nasanggi ni Daisy ang baso at tumapon kay Clarice.
"Omg. Ang lamig." - napatayo sya sa gulat.
Nabasa ang hita nya at palda na napaiksi. Sa gulat nila at automatic na kinuha ni Pat ang tissue at pinunasan ang hita ng dalaga.
Kinuha ni Eli ang tissue na natitira sa lamesa at hinala nya palayo si Pat.
"Ako na bahala dito." - seryosong sabi ni Eli
Nagkatinginan ang lahat sa ginawa ni Eli
"Kung hindi ko alam ang story nyo ni Eugene baka isipin ko na NBSB ka dahil babae gusto mo." - biro ni Charles
"I'm sorry, okay na ako Eli. Nagulat lang ako kanina." - banggit ni Clarice sa dalaga.
"I'm sorry Clarice ah." - humingi ng sorry si Daisy
"No, no it's okay." - mabait na ngiti ni Clarice
Lumapit si Pat kay Clarice at tinanong kung okay lang ba tlaga ang kasama.
Tumayo si June at sinenyasan ang waiter para sa bill nila.
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomanceTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...