Unplanned

55 0 0
                                    

Nagising si Pat  na nakahubad at nagtatakang lumingon sa paligid ng kwarto.

"What the??? Nasaan ako?" - tanong ni Pat sa sarili 

Tumayo sya at tinignan ang picture na malapit sa salamin. Nanlaki ang mata nya sa nakita. Dali dali nyang hinanap ang damit nya.

"Pat? Okay ka ba? Hindi ba masakit ung ulo mo? I made a soup baba ka muna." - wika ni Clarice habang inaabot ang mga damit ng binata.

"Nasan sila Jerick?" - tanong ng binata

"Iniwan ka nila sakin kagabi. Hnd ko alam san bahay nyo that's why iniuwi na lang kita." - pilyong ngiti ng dalaga.

"Uuwi na ako." - dali daling kinuha ng binata ang gamit nya at lumabas ng kwarto.

"Patrick? What are you doing here.?" - gulat na sabi ng ina ni Clarice.

"Mom? Kailan ka pa nakauwi?" - gulat na tanong ni Clarice.

"Clarice. Magpaliwanag ka! Bakit naguuwi ka ng lalaki sa bahay?" - galit na sigaw ng matanda.

Hiyang hiya naman si Patrick at humingi ng pasensya sa ina ng dalaga. Magpapaalam na sya na gusto na nya umuwi ngunit galit na pinigilan ito ni Mrs. Garcia.

"Kumain ka muna. Mag-uusap tayo pagkatapos mo." - utos sa kanya ng ni Mrs. Garcia.

Kinakabahan si Patrick sa pwedeng mangyari.

"May nangyari ba kagabi? Ugh. I hate myself." - pilit na pinipiga ni Pat ang isipan pero wala talaga sya maalala sa nangyari nung gabi.

Tumayo ang binata at pumasok sa salas.

"Ma'am ano po ung paguusapan natin?" - kabadong tanong ni Pat

"Umupo ka." - utos nito sa binata.

"Napapansin mo naman siguro na kami lang palagi ni Clarice ang magkasama. Un ay dahil iniwan ako ng ama nya nung nalaman nya na buntis ako." - kwento ni Mrs. Garcia

"Ayaw ko na mangyari un sa anak ko dahil alam ko gano kahirap ang mag-isa. Masakit ang maiwan." - dugtong nito.

"Ma'am Sorry po tlaga pero hindi ko po maalala ang nangyari kagabi." - hiyang sambit ni Pat.

"Hindi ko alam ano meron sa inyo ng anak ko pero panindigan mo ang ginawa mong ito." - galit na sagot ng matanda.

"Mom. Wag mo takutin si Pat." pagaalalang singit ni Clarice sa usapan.

Tumayo ang ina ni Clarice at sinampal ang anak nya

"Hindi kita pinalaki para ganyan ganyanin lang ng lalaki. Paano kapag nabuntis ka? Paano kapag iniwan ka din nyan? Hindi alam ang nangyari? Napakaimpossible na nagjack en poy lang kayo sa kwarto." - sigaw nito kay Clarice.

Tumayo si Pat at cheneck ang dalaga.

Habang ang ina naman nito ay nagdretso sa kanyang kwarto.

" Okay ka lang ba? I'm so sorry Clarice. Pero hindi ko talaga alam ano nangyari kagabi." - malungkot na sambit ng binata.

" I'm fine. Don't worry. Alam ko galit lang si Mom dahil nagaalala sya para sakin." - maluha luhang sagot ng dalaga

"Clarice. Sorry ulit pero gusto ko lang malaman kung may nangyari ba sa atin kagabi.?" - hiyang tanong ng binata.

"Pananagutan mo ba ginawa mo kung sabihin kong meron?" - tanong ng dalaga.

Natahimik naman si Pat.

"Umuwi ka na. I'm so sorry din sa nangyari." - paghingi ng pasensya ng dalaga.

Nakalipas ang ilang araw at hindi sya nakarinig ng kahit anong balita tungkol kay Clarice.

Dumaan ang buwan at may email na dumating sa kanya.

"Job Offer?" - tatakang binuksan ni Pat ang Email. 

Sinearch nya sa google ang pangalan ng hotel at nakita nyang magandang opportunity ito para sa kanya ang magtrabaho sa isang 5 star hotel. Tinanggap nya ang job offer at pinagsimula sya agad agad sa pagtatrabaho.

"Wow brooo. Galing mo work na nalapit sau ah." - Jerick

"Akala ko nga scam e. Hindi ko din alam pano ako nagka job offer dun. I asked Eugene kasi sya lang nmn pwede makagawa nun dahil madami connections mommy nya." - sagot ni Pat

"O sya nga daw ba?" - tanong ni Jerick

"Hindi daw e. Baka itanong ko na lang sa mga kasama ko dun." - sagot ni Pat.

"Huwag mo na masyado isipin un Pat ang mahalaga may work ka na. Galing galing Supervisor agad agad." - puri ni Charles na kumuha ng order nilang coffee sa counter.

"So coffee coffee muna tayo nexttime na ang alak." - tawang sambit ni Jerick.

Tumayo si Pat para magCR ng biglang may lumapit sa kanyang babae.

"Pat." - nakangiting bati ni Clarice kay Pat at iniabot ang isang maliit na envelope.

"Clarice? What's this?" - takang ganong ni Pat

"Another gift. Nagustuhan mo ba ang unang gift ko sau Mr. Supervisor?" - ngiting tanong ni Clarice at tinuro ang envelop at sinenyasan nya na buksan na ito.

Nagulat si Pat ng malaman na may kinalaman si Clarice sa Job offer nya sa isang 5 star hotel. Nagtataka at biglang kinabahan din sya habang binubuksan ang envelop na hawak nya.

Nang hina ang tuhod ni Patrick ng makita nya ang laman nito. Hindi sya makapaniwala sa nakita nya.

"Ikaw bes ung about sa 5 star hotel?" - tanong ni Charles.

"Yes. Dapat maganda work ng daddy ng baby ko para ma support nya kami dba?" - tuwang sagot ni Clarice.

Nagulat ang tatlo sa narinig at dali dali sinilip ang hawak ni Pat.

"Buntis ka? WOW congratulations sa inyong dalawa." - sigaw ni Jerick

Hindi makapaniwala si Pat sa nakita at hindi nya alam ano ang dapat maramdaman.

Inakap ni Clarice si Pat.

"Hindi mo ako iiwan dba?" - tanong ni Clarice sa binata.

Biglang pumasok sa isip ni Pat ang sinabi ni Mrs. Garcia sa kanya. Ayaw nyang masaktan si Clarice, pero hindi nya mahal ito. Ayaw nya na magising ang anak nya na walang magandang pamilya pero ayaw din nya na magsama sila ni Clarice dahil lang sa bata.

Inakap nya si Clarice at hindi sya makasagot.

Kitang kita ni Charles ang halong sakit at tuwa sa hitsura ng kaibigan. Alam nya kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Pat dahil alam nya kung gaano nya kamahal si Eli.

Umuwi si Pat na wala pa din sa sarili. Kinuha nya ang phone nya at tinawagan si Charles.

"Charles. Napakasama mo bang tao dahil ganto nararamdaman ko?" - tanong ni Pat sa kaibigan

"Pat I know mahal na mahal mo pa rin si Eli. Pero baby na ang usapan dito. Anak mo un eh. Ano na lang sasabihin sayo ng anak mo kapag namulat sya na walang ama." - sagot ni Charles sa kaibigan.

"Hindi ba parang ang unfair ko naman kung magsasama kami pero iba ung mahal ko?" - Tanong ni Pat

"Excuse mo lang yan sa sarili mo Pat. Pero nasa sau pa rin naman ang desisyon eh. Ang sakin kasi ung bata mas mahalaga. Mabait naman si Clarice, maganda, matututunan mo din sya mahalin. Alam ko sobra ka nahihirapan pero seryoso na to eh. Tandaan mo lang bff na andito lang ako palagi to support you kahit anong maging solusyon mo." - pagsagot ni Charles sa kababata nya.

Naaawa si Charles sa kaibigan pero wala syang magawa kundi pakinggan at sagutin lang ang mga katanungan nito na sa kung anong tingin nya ay makakabuti.

Binaba ni Pat ang tawag at nakatulala lang to habang nakahiga sa kama.

"Hindi na naman siguro babalik si Eli. Masaya na naman siguro sya kay Eugene. I have to find my own happiness naman." - mangilid ngilid ang luha nito sa gilid ng mga mata nya.

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon