Umuwi si Patrick na lasing at sinilip ang anak sa higaan nito. Mahimbing na itong tulog at hinanap nya ang ina ng anak nya. Wala sya sa kama, sinilip nya ang kusina at CR pero hindi nya ito makita.
"Bahala ka sa buhay mo Clarice." - sambit ni Pat at nahiga na ito sa kama
Pagdilat ng mata nya ay katabi na nya si Clarice. Tumayo agad sya at nagCR.
"Babe. Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" - tanong ni Clarice na sumunod sa CR at kumuha ng toothbrush
"Hindi ko kayang halikan ka, akapin ka o mahalin ka pagkatapos mong gawin un sa iba habang ako at ang anak natin ay nagiintay sa pag-uwi mo." - gigil na sambit ni Pat
"Isang beses lang un Pat." - inis na sagot ni Clarice
"Isang beses ka lang bumukaka sa iba ang isang beses na yun hanggang ngayon malinaw na malinaw pa din sa isipan ko." - paliwanag ni Pat
"Bakit ikaw? Hindi mo ba ako tatanungin kung nahihirapan ba ako? Kung bakit ko nagawa yun?" - sigaw ni Clarice
"Dahil malandi ka." - sigaw pabalik ni Pat
"Grabe Pat. Grabe ka magsalita parang hindi ako ang ina ng anak mo kung makapagsalita ka." - naiiyak na sagot ni Clarice
"Bakit ba kasi hindi mo ako tantanan kahit sinasaktan kita? Bakit ba pinipilit mo pa rin na mahalin kita kahit paulit-ulit kita itaboy." - tanong ni Pat
"Si Eli! Si Eli na lang palagi Pat. Simula palang si Eli lang. Kailan ba ako nagkarun ng space jan sa puso mo? Ni minsan hindi dba?" - naiiyak na sumbat ni Clarice
"Huwag mo idahilan si Eli sa mga nagawa mong kasalanan Clarice." - lumabas si Pat ng Cr at iniwan na umiiyak si Clarice.
Nagkulong sa CR ang dalaga. Napansin ni Pat na wala ang anak nya at ang tagapagalaga nito.
Sanay na sa away ang baby sitter ni Noah ng mag-asawa kaya para hindi mamulat ang bata sa hindi magandang relasyon ng dalawa ay inilalabas o inilalayo nya ang bata sa kanyang ama't ina.
Naalala ni Pat na wala si Clarice sa room ng umuwi sya. Kaya nung nakita nya ang Phone nito ay kinuha nya ito at binuksan.
The time na umalis sya para makipagkita kay Eugene ay may 5mins na call history sa phone nito. Cheneck nya ang messages at nakita nya ang same number na may msg.
"I'm here at the lobby."
Kinuha agad ni Pat ang number at dali dali bumaba sa lobby ng hotel.
"Sino duty kagabi ng around 7:30?" Tanong ni Pat sa nakaduty na receptionist.
"Ah Si Sir Mark po." - sagot nito
Dali dali nya tinawagan si Mark.
"Mark? At around 7:30 nakita mo ba si Clarice?" - pinipilit nya pakalmahin ang sarili
"Yes po Sir. Naaalala ko po sya kagabi kasi sumisigaw sya sa lobby e." - sagot nito.
"What? Sumisigaw? Sino kasama nya?" - nagtatakamg tanong ni Pat kay Mark
"Babae Sir, hindi po pamilyar sakin kasi off ko po siguro nung nag check-in ung guest. Sorry Sir." - paliwanag ni Mark
"Nung nangcheck - in si Guest?" - tanong ni Pat
Lalong naguluhan si Pat sa nalaman. Ang eneexpect nya ay niluluko sya nito at may lalaki na naman itong kinakalantari sa likod nya.
"Opo sir. Dito po sila nakacheck-in kasi galing din sya sa taas e. Tapos ung key card na dala nya napansin ko po satin un." - tuloy ni Mark
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomanceTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...