Secrets

49 0 0
                                    

"Bes!!!!! Sinungaling ka. Sabi mo 3 years lang?" - tampong sigaw ni Liz sa bestfriend nya.

"Isang taon lang nadagdag ha! haha. Grabe ka naman bes." - sagot ni Eli

"Mahalaga bumalik na sya. Pahinga ka mabuti bes ah. Para may energy ka sa day-off namin." - birong sigaw ni Daisy.

Apat na taon ang nakalipas bago nakauwi ng pinas si Eli.

" Asan si Eugene? Bakit wala sila ni TanTan? " - tanong ni Liz

"Bale dretso sya sa bahay nila, miss na miss na daw kasi sya ni Tita at saka gusto nila makita si Tantan. Bukas uwi din sila dito kasi sa bahay na sila magstay eh." - sagot ni Eli

"So kelan ang kasal?" - tanong ni Daisy sa kaibigan

"Hindi kami ikakasal. We broke up 3years ago. Nagdecide kami na maging friends na lang. " - Kwento ni Eli.

"What? Paano naman ang anak nyo ha Eli?" - napasigaw si Liz

Habang si Daisy naman ay napasindi ng sigarilyo.

"I'm sorry for not telling you this, hindi si Eugene ang father ni Tantan." - pag-amin ni Eli.

Tinitigan ni Daisy at Liz si Eli. Iniintay nilang sabihing biro lang un at ng nakita nilang seryoso si Eli ay hinampas ni Liz ng plastic bottle ng coke si Eli sa ulo.

"Bes! Alam mo kung hindi lang tlaga kita bestfriend nahampas na kita ng babasaging bote sa ulo hindi lang ito. Naku tlaga! Bakit hindi mo sinabi samin agad? Sabi na eh  kakapagduda na pagdating mo dun buntis ka na agad." - sigaw ni Liz

"Aray bes!" - sigaw ni Eli

"Be, so sino? Si Pat?" - tanong ni Daisy

"Bakit bawal lumandi bago magpunta U. S?" - pagmamaktol ni Eli

"So si Pat nga?" - tatakang tanong ni Liz.

"Paano?" - dugtong ni Daisy

"Nagjack en poy kami tas nabuo ung baby! Okay na?" - sigaw ni Eli

"Omyghad bes! Omyghad!" - sigaw ni Loz

"Sakit mo sa bangs!" - napatayo si Daisy sa narinig

"Alam ni Pat?" - tanong ni Liz

"Malamang hindi kasi mangbubuntis ba yun ng iba kung alam nya na may anak sya jan sa magaling mong kaibigan  e alam mo na mahal na mahal ni Pat yan." - sagot ni Daisy

"Elizabeth bakit mo ginawa yan?" - inis na tanong ni Liz

"Malay ko ba na mabubuo. First time ko e." - inis na sagot ni Eli

"Kaya kayo naghiwalay ni Eugene noh?" - paninigurado ni Liz

"For sure un na nga reason." - singit ni Daisy

"No. Nalaman nya ang totoo kung bakit ako nagstay sa tabi nya." - sagot ni Eli.

"May depression si Eugene, hindi nyo ba napansin mga cuts nya sa pulso? Nung nagkachance ako na kauspin mama nya tinanong ko sila about dun and lumala daw sya simula nung nakita nya ulit ako. Alam mo na dahil sa love triangle namin nila Pat. Naawa ako sa kanya and akala ko kaya ko sya mahalin so ayun nagstay ako. Pumunta sya dun hindi para magbakasyon pero para magpa- therapy. Malapit na sya matapos but nakita nya ang messages namin ng mama nya and nalaman nya ang totoo. " - kwento ni Eli

" Nagtangka sya magpakamatay buti andun ang tita nya at napigilan sya nito. " - tuloy ni Eli

"Dumating na sa point na sinusumbat na nya ang lahat sakin at ako ang sinisisi nya pati si Tantan nadamay. So lumayo kami after a year binisita nya kami sa bahay at humingi ng pasensya. Isang maayos at maamong Eugene ang nakita ko." - naiiyak na pagpapatuloy ni Eli

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon