"Sir Pat may mga pulis po na naghahanap sa inyo." - tawag sa kanya ng isang receptionist.
"Bakit daw?" - tatakang tanong ni Pat
"Sir John Patrick Cruz. Kilala nyo po ba si Clarice Garcia?" - tanong ng pulis
"Yes sir. Ako po ung partner nya. Ano pong problema Sir?" - kabadong sagot ni Pat
Iniabot nya agad si Tantan kay Eli at tumayo para makausap ng maayos ang pulis
"Sir kasalukuyan pong dinadala sa ospital ang partner nyo at ang dalawa pang biktima." - mamadaling paliwanag ng pulis
"Sir ano pong nangyari? Saang ospital? Kamusta ang anak ko?" - sa sobrang taranta ay hindi na alam ni Pat ang itatanong
Sinabi ng pulis ang pangalan ng ospital at dali dali syang pumunta dun.
Nagdretso sya sa emergency room at hinanap nya ang mag-ina nya.
" Nasan ang anak ko? Noah Cruz. Clarice Garcia? Asan sya? " - tarantang tanong nito sa nurse na nakasalubong
"Kayo po si Patrick Cruz?" - tanong ng nurse na nagmamadali
"Opo nasan ang anak ko?" - pagaalalang tanong nito
Tinuro ng nurse si Pat sa Doctor na lumabas ng E. R at sinabing sya ang ama ng bata
"Sir I'm sorry. Hindi na umabot ang anak nyo pati na rin si Mrs. Corazon sa ospital. Head injury ang kinamatay nilang dalawa Si Ms. Garcia naman po ay stable na ang sitwasyon. " - malungkot na sambit ng doctor.
Lumapit naman ang pulis na sumundo sa kanila sa resort.
"Base po sa CCTV na nakuha namin sa area mabilis ang takbo ng sasakyan ni Ms. Garcia. Hindi na umabot ang preno ng truck sa intersection at nahagip ang likuran ng sasakyan sa sobrang lakas ng impact ay tumalsik ang kotse." - paliwanag ng pulis
"Pat?" - tawag ni Eli sa lalaki.
Kinausap ni Eugene ang mga pulis para malamn din ang nangyari. Dali dali nya sinabi kay Eli ang balita.
Hindi sumasagot si Pat kay Eli. Nakatulala lang sya.
Mga ilang minuto ay tumayo si Pat at pinuntahan ang labi ng anak.
" Noah? Baby? Andito na si Daddy. Gising ka na baby. Maglalaro pa tayo sa beach." - bulong ni Pat sa anak
Naiyak si Eli sa ginawa ni Pat. Hindi nya alam ano gagawin.
"Baby, bakit iniwan mo si Daddy?" - sigaw ni Pat habang walang tigil ang luha sa mata nya
Inakap ni Eli si Pat.
"Eli! Hindi ko ba deserve maging masaya? Bakit lahat ng mahal ko iniiwan ako? Bakit ganun? Ang sakit! May ginawa ba akong masama para pagdaanan ko ang gantong bagay?" - sigaw ni Pat
"Pat, kumapit ka lang. Wag ka mawawalan ng pag-asa. Kaya mo yan Pat." - iyak ni Eli
"Kasalanan ko to. Kung hindi ko pinilit na alamin katotohanan hindi mangyayari to." - bulong ni Pat
Natulala na lang si Pat pagkatapos nya sabihin un.
"Pat, noooo. Wala kang kasalanan walang may gusto sa nangyari." - pagpapakalma ni Eli
Hindi na nagsalita si Pat. Nakatulala lang to. Walang luha, walang expression ang muka nya.
"Pat?" - tarantang tanong ni Eli
Tinawag ni Eli si Eugene.
"Eugene si Pat." - iyak ni Eli
Pinaliwanag ng doctor na okay naman si Pat at hindi lang kinaya ang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomansaTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...