Pain

74 1 0
                                    

Pagdating ni Pat ay nagpunta ito sa CR at inayos ang buhok nya.

"Self, alam ko na tayo ang pipiliin ni Eli. Kelangan lang natin syang akitin. Madami ng babae naghabol sayo dahil sa sweetness mo. Gamitin natin un tsaka ito." - sabi ni Pat sa sarili habang hawak ang muka nya.

Ginagawa talaga lahat ni Pat para mahulog sa kanya si Eli.

Paglabas nya ay nakita nya si Eli na nilalagay ang gamit sa may locker nya.

Lumabas si Pat at kinamusta si Dan.

Lumabas na din si Eli at kinuha nya ang endorsement logbook.

"Eli anjan na lahat ah. I have to go anjan na boyfriend ko." - pagpapaalam ni Dan.

"Okay Sir. Noted po. Ingat kayo." - kinawayan ni Eli si Dan

Lumapit si Pat sa dalaga at nakibasa sa logbook. Sobra lapit ng muka nya dito. Seryoso sya nagbabasa.

Nagulat si Eli at lumayo ito.

"Sabihin mo kapag tapos ka na." - sabi ni Eli kay Pat

"Opo Ma'am." - ngumiti ito kay Eli

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Eli dahil sila na lang ni Pat ang naiwan sa Front Desk. Naalala na naman nya ang gabing hinalikan sya nito.

Umiling iling at tinapik nya mukha nya para mag-ising.

"Ma'am tapos na po ako." - inabot ni Pat ang logbook sa dalaga

Sinimulan na ni Pat ang mga gawain nya.

Pagkatapos ng ilang oras ay pumasok si Pat para ipagtimpla ng kape si Eli.

"Coffee?" - sabay abot ni Pat ng kape kay Eli

Kinuha ni Eli ang kape at nagpasalamat ito.

Natapos ang gabi na walang problema.

Buong linggo silang magkasama sa trabaho at nakampante na ulit si Eli kay Pat. Masayahin si Pat sa buong linggo at ginagawa nya maayos ang mga gawain nya.

Araw araw din binibisita ni Eli si Eugene para e-check kung okay na ito.

Off na naman ni Eli at Pat sa work. This time ay hindi nila kasabay si Daisy dahil may meeting sila with the resort owner.

Pauwi na si Eli at Pat galing sa huling duty nila sa graveyard shift.

"Bukas tayo magbar Eli?" - tanong ni Pat

"May date kami ni Eugene bukas e." - tanggi ni Eli

"Uhmmm okay. Papaubaya na muna kita sa kanya." - biro ni Pat

Natawa si Eli.

"As if naman na sayo ako." - sagot ni Eli

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon