Sumubsob si Pat sa balikat ni Eli.
Ramdam ni Eli ang hininga nito sa braso nya, ang katawan nya na nakapatong sa katawan nya.
"I feel home,dapat ay itulak ko sya palayo pero gusto ko ang init ng katawan nya. Ang akap nya." - mga salitang imiikot sa isipan nya.
"Eli, ano ang nararamdaman mo para kay Eugene? Hinanap mo ba talaga sya simula nung araw na iligtas ka nya?" - bulong ni Pat sa dalaga
Sa sobrang lapit ni Pat ay dumadampi ang mga labi nito sa tenga nya. Ramdam nya ang mainit na hininga nito. Hindi sya sanay sa mga gantong bagay kaya nahihiya sya sa binata.
"Hindi ko alam Pat kung ano nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko sya hinanap Pat." - pag-amin ni Eli
Nalungkot si Pat sa sinabi ng dalaga. Inakap nya to ng mahigpit.
"Hinanap ka nya Eli. Araw araw ka nyang iniisip. Umaasa sya na makikita ka nya muli." - kwento ni Pat
"Inintay ko sya Pat. Hindi ko maalala ang itsura nya pero nanatili sa isip ko ang init ng katawan nya nung binuhat nya ako nung mga oras na bumagsak ako" - bulong ng dalaga
Inakap nya din ang binata.
"Gusto ko bumalik paulit ulit sa oras na un. Gusto ko ulit sya maramdaman. Mga oras na un alam ko na sya ang pinili ng puso ko." - pagpapatuloy ng dalaga
"Pero hindi ko alam bakit nung malaman ko na si Eugene un ay hindi ako buong puso na masaya."
Hinalikan sya ni Pat. Sa mga oras na yun ay agresibo sya. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ng dalaga at idiniin sa kama.
Parang napako si Eli at hindi nya maigalaw ang buong katawan nya. Gusto nya itulak ito palayo pero onti onti na syang nawawalan ng lakas. Onti onti na syang mahuhulog sa tukso.
Hinalikan sya ni Pat pababa sa leeg. Napaungol si Eli dahil sa sensasyon na ngayon nya lang naramdaman.
"Gusto ko ulit marinig ang mga ungol na un. Napakasarap sa pandinig." - sabi ni Pat sa sarili
BINABASA MO ANG
Never Want To Let You Go
RomanceTamang pag-ibig sa maling panahon. Un ang tawag sa relasyon nilang dalawa. Ano bang tamang desisyon? Ang intayin ang tamang panahon para sa tamang pag-ibig nila habang magkasama sila? O iintayin ba nila ito na wala sa piling ng isa't- isa? "Kapag b...