Carinho

99 1 0
                                    

"Sya na naman?" - sambit ni Eli sa sarili habang pinupulot ang mga papel na nakakalat

Walang nagawa si Pat kundi ang i-assist ang guest

"Yes Ma'am Clarice?" - Sagot ni Pat habang pasilip silip kay Eli

"Free ka ba later? Gusto ko kasi lumabas ng resort eh. Kaso hindi ako pamilyar sa place. It would be great if may kasama ako." - pakiusap ng dalaga

"I'll check later ma'am if masasamahan po kita." - nagdadalawang isip na sagot ni Pat

Nahihiya syang tanggihan ang dalaga at sabihan ng deretso dahil sa baka mapahiya ito.

"Okay Patrick, Puntahan kita later. What time ka ba mag-out?" - tanong ng dalaga

"7:00pm po ma'am." - sagot ni Pat

Nagthumbs -up ang dalaga at ngumiti ng napakasigla habang papalayo.

"Uyyy. Mukang gusto ka talaga ni Ma'am." - nakahawak sa baba nya si Eli habang nakatingin sa papalayong guest.

"Nakakahiya nga po Ma'am sa inyo e. Feeling ko tingin nyo nakikipaglandian lang ako dito sa OJT ko." - bulong ni Pat kay Eli

"Oo, buti alam mo. Puro ka landi, habang andito ako sa harap mo eh. Hiya hiya ka pa jan. Bagsak kita sa ojt mo e." - mga gustong sabihin ni Eli kay Pat

Pero pinigilan nya ang sarili dahil hindi din sya sigurado bakit ganun ang nasa isipan nya.

"Ano ka ba? Okay lang un. Mas masaya kung may kasamang love life ang pag - oojt. Para memorable. Haha "  - sabay tapik sa balikat ni Pat

7:00 pm

"Ma'am pahinga ka na po muna ito po tubig." - sabi ni Pat sabay abot ng isang boteng tubig kay Eli

"Pagod ka din Pat? Haha. Ano masasabi mo sa peak natin?" - tanong ni Eli

"Okay naman Ma'am mas madami ka nga po nagawa taga abot lang ako stapler at papers sayo e. Ikaw Ma'am tingin mo nakatulong ba ako sau? Nagawa ko ba maayos lahat ng utos mo? Hindi po ba ako naging pabigat?" - tanong ni Pat kay Eli

Hindi nya inaasahan na sasabihin nya sa harapan ng dalaga ang mga iniisip nya. Umupo sya sa may back office at nagulat sya ng tumabi si Eli sa kanya.

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon