Mitsukatta

87 2 0
                                    

"Sobrang lalim ata ng iniisip mo Ma'am." - dugtong ni Eugene

Umupo si Eugene malapit kay Eli at tumabi naman kay Eugene si Charles. Palingon lingon si Charles at namemyesta ang mga mata nya sa dami ng gwapong lalaki sa paligid.

"Haha, hindi naman." - awkward na tawa ni Eli

"Iniisip nya ung pangalan at itsura nung Prince Charming nya." - singit ni Daisy sa dalawa

"Prince charming?" - curious na tanong ni Eugene

"Prince Charming be, ung parang sa fairy tales. Okay na gets na?" - pabirong sagot ni Charles

Nagtawanan si Daisy at Charles. Magkakilala na sila dahil sa unang araw nila ay iniikot ni Eli ang tatlo sa bawat department ng resort at pinakilala ang mga staff sa knila.

Dumating ang waiter dala dala ang mga orders nila.

"Game na." - excited na binuksan ni Charles ang mga beer at inabot isa isa sa mga kasama.

Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na si Liza kasama ang boyfriend nya na si June.

"Bes I'm sorry. Tagal kasi ni June mag out e. Kaya ngayon lang kami dumating." - paghingi ng sorry ni Liz sa Bestfriend

"Eli sorry ha. Patawarin mo na ako.hehe. Late kasi kapalitan ko na barista " - paliwanag ni June sa kaibigan

Inabutan ni Eli ng baso ang magkasintahan at tinagayan ng alak.

"Enough na sa pag explain uminom na lang tayo. Haha. Dahil late kayo ikaw June may sagot ng alak ngayon." - nakaturo si Eli sa Boyfriend ng bestfriend nya.

"Sure no problem" - sabay angat ng baso nya at nagaya sya mag cheers.

"Sorry ah pero d ko agad napansin na may date ka pala Eli." - biro ni June

Siniko ni Liz si June para pigilan sa pangaasar.

"Ojt namin yan sa resort babe. Bata pa sila hahaha" - sagot ni Liz

"Ma'am binata na po kami. Haha" - depensa ni Eugene.

"Si Eugene and Charles nga pala." - pakilala ni Eli sa dalawa

"Guys ito nga pala ang nagnakaw sa puso ng bestfriend ko. Inagaw nya din skin ang bestfriend ko. Si June." - pagbibiro ni Eli

Masayang nag-iinuman ang bagong magkakaibigan ng biglang nabanggit ni Liz ang pangyayari 3years ago.

"Nung nakaraan ang anniversary nyo ng Prince Charming mo dba bes? Kelan nga un? Nung sunday? Naalala ko lang bigla." - pagopen ni Liz kay Eli

"Yes, Sunday bes." - matipid nyang sagot

Medyo may mga inom na sila kaya malakas na loob ni Eugene magtanong sa kanila. Habang si Charles naman ay nagpaalam para mag smoke sa smoking area. Non-smoking area kasi ang pwesto nila.

Never Want To Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon